Sunday, December 4, 2011

OFW Christmas Blues




After 9 months, nagbalik na naman ako. Abala lang talaga ang madam bilang ang daming pagbabagong naganap sa opisina at may ilan ding sakit ng ulo ang dumating sa aking buhay, ngunit, subali't datapwat, nalampasan ko naman ng bongga. So eto na nga, December na naman. Halos 5 na pasko na rin akong hindi nakakauwi sa Pilipinas, ang dami ko ng na-miss na reunions at kung anu-ano pang ka-chorvahan sa bahay namin. 

Imbyernang tunay lang talaga ako sa kumakalat na video ng isang MNC na matamis na inumin. Tungkol kasi ito sa mga OFW na matagal na umanong hindi nakakauwi sa Pinas. K Fine. Nasan ba sila? Sa Europe? Meron bang na-isponsoran na nasa Middle East o South East Asia, parang wala naman akong nakita. EUROS (As of today, exchange rate is: 1 = ₱ 57.99) ang kinikita ng mga pinauwi nila. Higit na mayaman pa sila sa ibang OFWs na MAS gustong makauwi, pero di magawa dahil sa malupit na mga amo at 'yung iba wala talagang pamasahe dahil walang natitirang sahod sa kanila, mga niloko ng recruiters, mga nagbabayad ng walang katapusang placement fee. Kung gugustuhin ng mga mapalad na OFWs na itong makauwi, kayang kaya nila. Sa tagal ng pagtatrabaho nila sa Europa, imposibleng wala silang ipon. Matitiis mo bang hindi makita ang mga anak mo ng mahigit sa 10 taon? Nakakadena ba sila sa bahay ng mga amo nila? Mas malupit ba ang mga amo nila o mas mababa pa ang sahod nila sa mga DH ng Singapore, Hong Kong o Saudi Arabia? Obviously, ginagamit lang ng kumpanyang ito ang mga OFWs. 

Sabi nga ng nabasa ko:

"Big corporations don’t do anything or spend money unless there is a “business case” for said expenditure or activity that one way or another translates to increased profits, more revenue, or uplift in share price. These guys aren’t in business to be nice guys. They’re in business for business."

Kaya kahit OFW ako, hindi ako na-move na kadramahan na 'yan. MAS maiiyak ako ng bongga, kung mapapauwi nila ang mga Pinoy na stranded sa Riyadh, mga DH na nasa embahada ng Pilipinas o 'yung mga kinupkop ng mga NGOs habang wala pang pamasahe o naghihintay matapos ang hearing ng kaso ng pangaabuso sa kanila. Maraming nangangailangan ng tulong, madaming gustong makauwi ngayong Pasko. Pero mas ng kumpanyang iyon ang mga kagaya nila na kayang kaya namang umuwi kung gugustuhin nila. Me kasabihan nga tayo, "If there's a will, there's a way."



Para sa kin, mas may karapat-dapat pang makatanggap ng ganitong klaseng tulong. Nakakarelate ako sa reunion part ng ad campaign, pero hindi buo ang paniniwala ko na genuine ang pag reach out nila sa mga OFWs. 


Isa sa maraming kahilingan ko ngayong pasko, nawa'y maging maligayang tunay ang kapaskuhan ng mas nangangailangan. 


Maligayang Pasko!


Monday, May 16, 2011

I hate you, Bebeng!


Excited si Madam bumaba ng eroplano nung May 7th bilang magsa-summer vacation ang beauty ko. Isang bonggang announcement ang sinabi ni Ms. Flight Attendant bago lumanding: "Mabuhay! Welcome to Manila, it's 36 degrees outside!" Syet! I can feel the heat! Excited na talaga ako!

Pagdating sa balur (bahay) isang MAINIT na pagsalubong ang bumati sa akin. Yes, literal na mainit. The heat is on na talaga! So, kaya naman nagkukumahog kaming gumora sa Puregold Junior ng aking mga barbaric shufatids at makukulit na bagets, para gumetlak ng bonggang baon. Kahit me jetlag pa ang madam (jetlag daw oh?!, echos!) fly pa din sa palengke. 

4 A.M gising na gising na ang mga katawang lupa namin dahil patulak na kami sa Laiya, San Juan, Batangas. Eto na, alas-6 ng umaga parang kakaiba na ang simoy ng hangin. Iba ang lamig. Tila nanunuot sa laman. Hindi sya pang-December na lamig. Syet, parang may bagyo. In denial pa ang Madam bilang ayokong masira ang aming summer vacation. Nagsimulang umambon. Kahit balisa sa napipintong pagbagyo, dedma ang madam, hoping na aaraw at who knows, chika lang ni Mother Nature toh, mamaya aaraw din 'yan, sabi ng positive kong isip. Chos. 

Lalo pang lumakas ang ulan habang papalapit kami sa Virgin Beach Resort. Pagdating namin, tunay naman talagang maganda ang lugar, bagamat open sea syang maituturing at naiimagine ko ang Tsunami sa Japan kapag dumudungaw ako sa karagatan, "Fantastic" pa din ang nasasambit ko sa spectacular view ng resort. 

Palit kami ng pampaligo ng mga gremlins ko, excited si Gaeb du-mive sa dagat. OA ang alon, alam kong di sya kalmado that very moment, kaya naman ang madam todo bantay sa makukulit na bagets, si Sofia, scared lumapit sa dagat, isang katakot takot na convincing pa ang eksena namin bago siya nakipagbonding sa dagat. Taong dagat kasi ako gusto ko magkaroon din ng koneksyon ang mga junakis ko sa dagat, alam na alam ko naman na magugustuhan nila ang dagat. 

Si Gaeb, instant connection sila agad ng dagat, kahit dama ko na parang me PMS ang alon, go pa rin si panganay, F na F nya ang pagtatampisaw, at ambisyoso pa na magpunta sa malalim, sa takot ko palagi akong nakasunod parang salbabida lang ang drama ko. 

Si Sofia, masaya ng nakaupo sa pampang habang naghihintay ng malalaking alon, sabay sisigaw para warningan kami ng kuya niya sa papalapit na alon. 

Nag-enjoy naman sila ng bongga. Walang duda 'yan. Kahit di maaraw at di talaga summer na summer. Ramdam ko ang kasayahan ng mga anak ko sa bagong lugar na napuntahan nila. 

Sa kabila ng masungit na panahon, masasabi ko na masaya ang bonding naming mag-iina. Nakita ko na mga sirena ang bagets ko. Pero sa susunod, makikinig na ako kay Kuya Kim, bago magswimming.

Monday, April 11, 2011

Ang Pagbabalik Ni Madam

Thunder Tea Rice


Isang linggo rin pala akong di nakapag-blog. Busy-busyhan si Madam bilang ako ang punong abala sa pagbisita ng aking kaibigan dito sa bansa ni Tita Merly. Nakakapagod ang mag-tour, pero, in fairness super saya naman. At syempre napasabak na naman ako ng bonggang bongga sa kainan. Ilang linggo na rin akong nagbabalak "magbalik-loob" kay Jackie Chan. Nababawasan akong tumataginting na $56 kada bwan para sa gym membership pero mas pinili ko pa ring pairalin ang katam

Halos isang bwan na mahigit ang nakakaraan ng huli kong bisitahin si Jacky Chan. Nagpilit ang Madam mag-4k sa treadmill, ngunit sa kasamaang palad, tila tumaas ang aking presyon dahil nahilo ako at nanikip ang dibdib. Bokot naman akong umuwi ng naka-box sa pinas kaya tinigil ko pansamantala ang aking pantasyang pumayat, sabi ko, "Diet na lang muna". 

The Thunder Tea Rice Diet

2 weeks kong kinarir ang Thunder Tea Rice na 'yan. Nung una di ako nasarapan kasi parang damo lang talaga ang lasa. Brown rice sya with veggies sa ibabaw, may peanuts, shrimp at dilis. Nakakabusog naman sya kasi mabigat ang brown rice, pero ang highlight talaga ng food na eto ay ang sabaw na gawa sa green tea, with mint herb and sesame seeds. Isasabaw sya or pwede ding higupin, kung anong bet niyo. $4.50 (150.00 Php) isang bowl ang presyo na sobrang nakakabusog naman. Ano naman ang benefits ng TTR na 'yan? Una, di na ako umaasa sa Dulcolax, di na ako problemado kung kelan ako maglalabas ng sama ng loob at higit sa lahat ang gaan ng feeling ko. Bukod dyan, hindi ako sinakitan ng puson ng magka-period ako (Oo, period. Tama ang nabasa niyo. Isa na po akong ganap na babae. Chos.) Pumayat ba ako? Hindi. Tae. 

Fruits and Vegetable Diet

Dala ng impluwensya ni BFF Des, parang gusto ko na ring karirin 'tong Fruit Diet. Kwento ni Manay Des, fruits at gulay lang daw minus the rice, sweets, coffee and oily foods kaya nag-normal na lahat ng kanyang tests, na siyang tunay naman dahil nagpapamedical ang lola niyo! At dramatic talaga ang pagbaba ng cholesterol niya. Masubukan nga bukas na bukas, good luck na lang sa hilo! 


Oatmeal Diet

Self explanatory. Umaga, tanghali, gabi Quaker Oats. Pati jutot ko amoy oatmeal na rin. 

Nakakapagod ng mag-isip ng mga mga paraan para pumayat ako. Ayoko na rin namang uminom ng mga gamot pampayat. Gusto ko, all natural, exercise at tamang diet lang dahil nagkaka-edad na rin naman si Madam. Konting motivation pa at pasasaan din ay kakayanin na ng powers kong magtatatakbo. At hindi ko na rin sasayangin ang gym membership ko. I'll keep you posted if may progress naman ang ang aking pagpapayat, hindi ko na ibabandera ang current weight ko ha? Sobrang nakakahiya at lalong di ako maglalagay ng current pic ko, saka na lang pag talagang successful ang aking diet program..hihihi

Wish me luck!




Sunday, April 3, 2011

Of Forgiveness, Burning Bridges and Good Wishes

Photo Credit: http://goodwitchbadwitch.com/2009/09/
Tuwing nagkikita kami ng best friend ko, palagi na lang namin napag-uusapan ang mga sama ng loob ko sa dati kong opisina. Walang palya 'yan. Balitaan kami kung anong stressful events ang nangyayari sa taong nagbigay ng bigat sa dibdib ko sa loob mahigit 2 taon. Inaamin ko, malaki talaga ang inis ko sa taong 'yun. Kaya naman di ko maiwasan maghimutok sa aking BFF pag nagkikita kami. Isang taon na rin ang nakaraan ng umalis ako doon pero hanggang ngayon dala ko pa rin sa dibdib ko ang lahat ng mga ginawa sa akin ng taong 'yun. 

Marahil nagtataka kayo bakit ganun na lang ang laki ng inis ko. Ano ba ang mga pinag-gagagawa niya? Hindi ko na maalala lahat, pero ilan sa mga natatandaan ko, mahilig sya gumawa ng kuwento, mahilig sya tumira ng patalikod (hindi po siya bakla, backstabber lang), at lagi syang may suot na maskara pag kausap niya ako. Nanlalaglag din sya, may pinapaburan, mahilig sa pulitika at sinungaling. Ilan lang yan sa mga ugali nyang nakakahiya hindi lang sa mga kasama naming ibang lahi, maging sa mga kapwa pinoy na rin. Hindi ko maunawaan kung bakit ganon na lang ang pagtrato niya sa akin, marahil ay insecure o takot siyang mabunyag ang mga kalokohan niya, kaya isang malaking banta ako sa karir niya.   


Lumipas ang maraming araw, tuluyan ng hindi nag-improve ang samahan namin hanggang sa umabot na nga sa puntong kailangan ko ng magpaalam, bilang di ko na makayanan ang stress sa trabaho at sa mga taong nakapaligid sa akin. 

Madami pa akong nalaman tungkol sa mga sinasabi niya sa akin pag hindi niya ako kaharap pero mas pinili ko na lang na manahimik at iwasan syang kumprontahin, naipon ang galit at inis ko sa kanya kaya naman nasasabi ko lang lahat ng ito sa aking matalik  na kaibigan. Napapansin ko na ganun na lang pala palagi ang topic namin ni BFF, naapektuhan ko na rin pala siya sa mga negative vibes na nilalabas ko tungkol sa taong ito. Hindi maganda. Both for me and the people around me. But let me clarify one thing, hindi ako nagrereklamo, naglalabas ako ng saloobin ko. Sabagay, either way, may negative effect pa rin. 

Na-realize ko, it's about time to move on. Oo, papatawarin ko na siya. Gagawin ko ito hindi para sa kanya, kung hindi para sa akin at sa mga taong nakapaligid sa akin. 

Bilang isa kang malaking negative sign, I've decided, lalarga na ako. Kakalimutan ko na lahat ng ginawa mo, dahil walang ibang nakakakilala sa buong pagkatao ko, kung hindi ako lang at ang mga taong nagmamahal sa akin. Kaya, kung ano man ang mga pinagkalat mo tungkol sa akin, totoo man o hindi, hindi ako maapektuhan. Dahil, wala na akong kinalaman sa'yo, at ikaw din sa akin. Alam kong may pinagdadaananan ka, higit na mas malaki ang problema mo kaysa sa akin at mas naiintindihan na kita ngayon. 


Sayang naman ang kursong tinapos ko kung di ko gagamitin sa mga pagkakataong kagaya nito. At sa ugaling pinakita mo sa akin, mas nakilala kita ng lubusan. Sayang, magka-zodiac sign pa naman tayo, akala ko pa naman kasundo ko lahat ng kapareho ng zodiac sign ko, pero sabi nga ng isang article na nabasa ko, either maging magkasundo or arch-nemesis tayo. In our case, we're the latter. 

Masyado ng malaking space ng dibdib ko ang na-ooccupy mo, kaya naman mag-dedelete na ako at papalitan ko ng mas karapat-dapat na emosyon ang ise-save ko. So, with all my heart, Madam, I wish you well. 


May God bless your heart.








Tuesday, March 29, 2011

Work Hard, Play Smart

Photo Credit: http://www.doozieup.com/2009/02/work-or-play-are-they-the-same-for-some/

Kagabi ay nag-"Lowest of the Low" moment na naman si Madam. Dala siguro ng stress sa trabaho, sa dami ng mga goals at pag-maintain ng magandang scorecard. Nakakaloka na rin kung minsan kasi akala ko tapos na ako sa pag-aaral. Hindi pa rin pala. Kailangan ko pa rin maging competitive. Kailangan kong maging "bibo kid" para naman masabi ng kompanyang pinapasukan ko na ako ay isang asset. Hindi lang nagsasayang ng kuryente sa opisina. 

Nakakapagod maging productive, nakakapagod maging masipag lalo pa at ramdam mo na me lamangan na nagaganap sa paligid mo. Maglabas ka man ng hinanakit mo, balewala rin, kasi hindi lang ikaw ang dapat i-consider. I am just a tiny dot. Naa-appreciate ko ang marinig ng pamunuan ang mga gusto naming iparating, kaya lang, parang hindi sapat. Parang me kulang. Kulang sa aksyon. Puro kuda lang.

Eto ang mga moment na pinaka-ayaw ko. Masaya pa naman ako. Pero konti na lang malapit na akong bumigay. Sapat na maiiyak ko ang pagod at sama ng loob at babalik na naman ang drive ko. Kailangan.

Salamat at may mga realizations na ganito, otherwise, hindi ako magmamature. Pagkatapos kong itulog at ilabas sama ng loob. Naisip ko, "if all else fails, change the gameplan" 

Hindi ko hahayaang masira ng isang moment ang drive ko. This should work on my advantage. Ako ang gagawa ng paraan para mag-gain ako. Hindi ng weight 'teh. Gain ng keme. Alam mo na 'yun. Basta gain. Gain ng points, ng pera..ganyan. Na-realize ko na tama ang maging masipag at masikap sa trabaho, PERO: dapat maparaan ka din. Make responsible decisions na hindi lang ikaw ang magbe-benefit kundi pati ang mga nasa paligid mo rin. Do not spread negative vibes at work, madaming madadamay papangit  pa ang image mo. 

So, wear that smile now, Madam. Work Hard and Play Smart! 


Sunday, March 27, 2011

WARNING ni Madam!


Naka-receive si Madam ng isang e-mail ngayong afternoon. Aba UPS! Sino naman ang magpapadala ng package sa akin? Mabuti na lang at di ko agad binuksan ang attachment. Nag-Google muna ako. At eto ang nabasa ko:

http://nakedsecurity.sophos.com/2011/02/04/outbreak-united-parcel-service-notification-malware-attack-spammed-out/

So, ingat ingat kayo mga friends! Wag basta basta bukas ng bukas ng link!

Thursday, March 24, 2011

Gaya-gaya, Puto Maya



 


They say immitation is the greatest form of flattery.

Pero kung halos lahat eh ginagaya na sa'yo? Mula sa pagkain, sa shower gel, toothpaste, tsinelas, pati lahat ng gawin mo sa bahay ginagaya? Nakakainis na rin hindi ba? Daig pa ang anino ko. Buti pa nga ang anino ko minsan nilulubayan ako.

Hindi masama ang manggaya, ako rin madalas gumagaya lalu na kung uso, pero dapat lagyan mo ng limitasyon dahil hindi ako ikaw, at hindi ikaw ako. Gets mo? Mainam na mag-establish ka ng sarili mong identity, iyong makikilala ka dahil sa uniqueness mo. Nakakaawa ang mga taong walang ibang ginawa kung hindi ang manggaya lang. Mag-explore ka, mag-experiment, subukan mo maging kakaiba. Masarap maging kakaiba. Try mo lang, once lang. 

Sang-ayon sa aking napag-aralan, pag ang isang tao ay mahilig manggaya, malamang insecure eto or me inferiority complex. Bakit? Kasi hindi sya confident sa sarili niya, wala siyang tiwala sa mga ginagawa niya kung tama o mali. Kailangan pa ng "approval" ng iba bago gumawa ng isang hakbang. In short, walang sariling isip, walang backbone, walang confidence. 

Siguro nga dapat ma-flatter ako dahil iniidolo mo ang lahat ng gawin ko, dapat maging mabuting halimbawa pa nga ako para matuto ka sa mga ginagawa ko. Sige, i-coconsider ko 'yan. Pipilitin kong habaan pa ang pisi ko, dahil ako ang mas nakakaintindi ng kalagayan mo. Ako ang marunong mag-profile ng personality mo. 

Katawa-tawa ka lang sa paningin ko kung umasta ka ng alam kong nagpapanggap kang kakaiba kahit hindi. 

So, I will move on and do whatever what I want to do, walang basagan ng trip, gayahin mo na ako, for all I care. 

Wednesday, March 23, 2011

Emo Si Madam

Emo Heart Couple wallpaper from EMO wallpapers
Photo Credits: http://dark.pozadia.org/wallpaper/Lonely-Emo-Vector/

Paunawa: Ang blog entry na ito ay para sa mga boylets ni Madam from the past. Wala pong romantic keme na namagitan sa kanila. Nothing serious. For entertainment purposes only. Char. 

Nabanggit ko sa isa kong entry last month, "I remember the boy(s), but I don't remember the feelings anymore." Oo, para sa inyo ito. Naalala ko lang walang personalan. Kinikilig lang ako. Pampabata factor lang. 

Para kay Boy # 1:

Lampas isang dekada na ang nakakaraan pero di pa rin kita makalimutan. Madalas ka pa rin sumagi sa isip ko. Malakas ang dating mo, cuteness ka pa rin naman kahit wala ka na sa kalendaryo. Single ka, ako naman, it's complicated. Bagay tayo. Sabihin mo nga sa akin, ng mata sa mata, kung hindi mo feel i-revive ang past, eh bakit chumichika ka pa rin sa akin after all these years? Hindi ako naniniwalang bored ka lang. That's BS.

I appreciate your effort. At least di nasayang ang sleepless at Crayola nights ko 15 years ago. May chemistry naman tayo, kaya lang ayaw mo naman ng commitment. Keri lang, friends pa rin naman tayo hanggang ngayon, at regular kalandian kita. *hihihi*

Para kay Boy # 2:

Ikaw na ang wagas kong pag-ibig for 2 years. Iniyakan din kita, in fairness. Until now, hindi ko pa rin ma-figure out bakit kita iniyakan. Basta ang alam ko pinag-pray ko talaga na maging tayo, with the intercession  of Saint Jude Thaddeus.  Kaso, olats pa rin. 

Salamat nga pala, nang dahil sa'yo motivated ako pumasok sa school araw-araw. Kung sinlakas lang ng loob ko ngayon ang eksena ko noon, eh di sana "Let's make a memory" ang drama natin.

Para kay Boy # 3:

Di ko 'to kinaya, Kuya! Akalain mo?? Kung mare-reformat lang ang memory ko, ikaw sana ang unang ma-delete. Forever. Hindi ako bitter, di lang talaga ako makapaniwala naging part ka ng past ko. Pasalamat ka wala ka pang Facebook, magtagpo man tayo ulit, sasakit tyan ko kakatawa. 

Para kay Boy # 4:

K. (Wala ako masabi!)

At sa iba pang boylets, di ko na maalala ang feelings eh. Sensya na ha? Wala na ako maalala.

Try ko mag-rewind. 


Monday, March 21, 2011

OFW Survival Guide (Housemate Edition)


Madami sa atin ang umaalis ng Pilipinas sa pag-asang kikita tayo ng malaki at mabigyan ng maayos na buhay at magandang kinabukasan ang ating pamilya.
Kaya naman kahit mahirap, umalis ako para matupad ko ang mga plano ko para sa aking mga anak.

Sa loob ng 4 na taon na pagtatrabaho ko sa Singapore, madami na rin akong na-experience na talaga namang di makakalimutan at gusto kong i-share sa inyo ito lalu na sa mga aspiring OFWs para alam na ninyo ang mga aasahan pagsabak niyo sa ibang bansa.

Pagdating niyo sa ibang bansa ang una ninyong hahanapin syempre ay iyong matutuluyan ninyo. Pag wala kang kamag-anak, uupa ka ng isang kuwarto o makikishare ka sa isang bagong kakilala para tipid. Hangga’t maari ay ‘yung kumportable ka at mababait ang mga kasama mo sa bahay, bilang kayo-kayo na nga lang ang Pinoy, sino pa ba ang magtutulungan? WRONG.

Be Independent.

Pagtungtong mo pa lang sa NAIA, ‘yan na agad ang itanim sa utak mo. Wala kang ibang aasahan kundi ang sarili mo lang. Choice mo ang mag-abroad, walang may nag-sabi sa’yo na mag-alsa balutan ka at umalis ng Pilipinas. Kaya, be responsible. Walang ibang tutulong sa’yo kung hindi ang sarili mo lang. Believe it or not minsan kahit embahada natin wala kang mapapala. So, do your homework bago ka umalis, mag-research tungkol sa bansang pupuntahan.

Wag Agad Magtitiwala.

Huwag agad magtitiwala kahit kanino, kahit Pinoy pa ‘yan. Huwag kang ma-excite kung makakita ka ng kapwa Pinoy lalo pa kung Singapore ang destinasyon mo, madami nyan dito.

Be Considerate.

Lalu na sa mga kasama mo sa bahay. Magkaroon ka ng konsiderasyon sa mga kasama mo sa bahay, hindi porke’t Pinoy kayo lahat OK na lang na gawin mong extension ng Pinas ang bahay niyo. Una, Clean As You Go, self explanatory na ‘yan. In short, wag kang dugyot. Ang pinagkainan mo, hugasan at ligpitin agad, ang napkin mo itapon mo agad pagkatapos maligo, wag mong ipangalandakan na me period ka. Yuck. Flush the toilet, empty the rubbish bin, wag magingay pag tulog na ang mga tao, wag magluto pag me sinampay sa loob ng bahay, at marami pang iba. Pag inisa-isa ko ito, mahaba na masyado ang blog entry kong ito. Matuto kang makisama para pakisamahan ka rin. Otherwise, your life will be hell lalo pa pag ako ang housemate mo. 

Act With Integrity In All You Do.

Simple. Huwag kang Bantay Salakay! Pag may nakita kang pagkain sa fridge na hindi sa’yo, wag mong kainin. Pag wala ka ng sabong panlaba at fabric softener, wag mong gamitin lalo pa pag alam mong tulog ang kasama mo sa house.

Be Fair.

Eto ang pinaka-paborito ko sa lahat. Pagdating sa bayarin ng kuryente, tubig at gas, lumalabas ang pagka-mathematician ng ilan sa atin. Me iba din nagkakaroon ng sarili nilang formula. Bongga ‘di ba? Hindi naman kelangan ng isang mahabang computation ang bayarin ng utility bills, lahat gumagamit: nagluluto, nag-a-aircon, TV, computer, naliligo (heater at tubig). So, bakit kailangan pa ng lamangan pagdating ng bayaran ng bills? Divide the utility bills equally, kung sino ang may pinaka maraming appliances (meaning, me sariling ref sa kuwarto, 2 laptop, me LCD TV, Xbox, PSP, water dispenser, etc) patawan ng 10% ng bill para fair. Lahat tayo kumikita dito kaya bakit kailangan mang-lamang?

Kung di mo ma-take ang ugali ng kasama mo o hindi ka marunong makisama, mag-self eviction ka na lang at wag mo ng hintaying i-evict ka ng housemates mo. 

Ang bahay o kwarto mo ang nagsisilbing pahingahan mo, papayag ka ba naman na may madadatnan kang ganyang pag-uwi mo? Syempre hindi.

Kaya naman kung may balak kang mangibang-bansa, mabuti ng maging handa ka at alam mo na kung ano ang aasahan mo, kesa madisappoint ka at ma-stress ka lang ng bongga. 

Remember, nakakapangit ang stress. 





Sunday, March 20, 2011

Raket

Photo Credit: http://www.internetjobsworkingfromhome.net/extra-income-from-home/

Hindi ko namalayan, Linggo na pala. Busy kasi si Madam humanap ng freelance keme online. Siyempre, kailangan kumita ng extra bilang bakante naman ako pag weekend.

Moving on, buwan na naman ng Marso. Bakasyon na sa school at menos na sa gastos ng baon at pamasahe. Actually, wala naman talagang pahinga ang wallet ng mga mommies na gaya ko, kasi pagpasok ng Abril, Hello! enrolment na naman tayo. Siyempre pag Mayo, bilihan ng books at school supplies, isama pa natin ang uniform at iba pang expenses sa pagbukas school year.

Nakakaloka din ang mag-budget lalo pa at pabago-bago ang galaw ng presyo ng bilihin at pamasahe, sweldo na lang ang hindi gumagalaw. Na-comatose na ang sahod. Hmp. Nahilo na ako kakakwenta, hindi ako happy sa numbers ko.

Naisipan ko kailangang rumaket.

Marami-rami na rin akong kuwentong narinig at me ilan na ring kakilala ang yumaman ng hindi umaalis ng bahay. In fact, may kasama ako dati sa Convergys na talaga namang ang laki ng sahod, parang OFW ang sahod. Take note: sa bahay lang siya. Di siya umaalis ng bahay. Naikuwento niya sa akin ito mga 3 or 4 years ago, at may mga pruweba talaga na kumita sya ng above 50k a month. Buti na lang at naalala ko pa ang mga tweets niya, kaya naghalungkat ako ng bongga at voila! Nakita ko rin ang link kung paano siya kumikita ng malaki.

Isa siyang freelance writer/editor/copywriter para sa iba’t ibang kumpanya na naka-base sa US. At dahil magaling naman umingles si ate, dumami ang kanyang mga clients. May mga nagpapagawa ng articles sa kanya, may mga nagpapa-proofread at kung anu-ano pa. Per hour ang bayaran dito, in US $$$!

Kaya si Madam Mema, gawa agad ng account sa freelance website na eto. Sayang naman ang maganda kong laftaf at mabilis na internet connection, kailangan kong mabawi ang ginastos ko sa kanila sa lalong madaling panahon!

Hindi basta basta ang paggawa ng account dito, hindi parang Facebook or Friendster na gagawa ka ng profile pic na naka-anggulo, kailangan panalo ang cover letter, résumé, at dapat pasado ang mga proficiency tests na kukuhanin mo. Hindi lang naman para sa mga writers at customer service ang mga trabahong available, meron sa trading, administrative, IT, sales at events planning. Attractive ang mga per hour rates nila from $2-$20 an hour, depende sa length at klase ng project.

Salamat naman at may isa na akong project, naghihintay na lang ako ng materials at under negotiation ang working hours bilang rumaraket lang naman ang Madam Mema. Sana maayos ang lahat at walang aberya para makapag-simula na ako sa lalong madaling panahon. Sa pagkakaalam ko pwede ka ring tumanggap ng higit pa sa isang project basta ba kaya ng powers mo at hindi ka masisira sa mga employers, otherwise, bad reputation ka na sa mga freelance websites.

Kung sinuman sa inyo ang interested na rumaket, aba, mag-comment na kayo sa baba.

Sasabihin ko sa inyo kung saan at kung paano. :)

Ciao!



Thursday, March 17, 2011

Pera Pera Lang

Photo Credit: http://www.flickr.com/photos/25401359@N08/4255062824

Disclaimer: Hindi po ako expert sa usaping pera at lalong hindi ako milyonarya. Ang ilan sa mga mababasa niyo dito ay pawang kathang-isip (planning stage) pa lamang at work in progress. So wish me luck na sana nga ay ma-achieve ko ng bongga ang aking ishe-share. Halina't magpayaman. Chos. 

Lumaki ako sa isang single income family. Nanay ko dating teacher at ang tatay ko naman seaman. Akala ng marami porke't OFW, mayaman. Hindi. Isang malaking Hindi. Marami ang namamatay sa maling akala. Hindi kami mayaman at hindi rin mahirap, sapat na maitawid ang pang-araw araw at mapa-graduate ako sa college ng mga magulang ko. Hindi ako sunod sa luho, kung anong meron kuntento na ako. Malaking pasalamat ko kasi hindi kami sinanay ng mga magulang ko sa mga branded na gamit. Simple lang ang lifestyle namin. Ang shopping namin twice a year lang, bago magbukas ang school year at pag magpapasko. Tama lang ang kinikita ng tatay namin para mabuhay kami ng maayos. 

Fast forward. Ten years after college. Ako naman ang OFW ngayon. May dalawang anak na pinapag-aral at pinaghahandaan ang future. Matapos kong isettle ang mga dapat isettle, unti-unti ko namang pinaplano ngayon hindi lang ang future ng mga anak ko, kundi pati na rin ang pagtanda ko. When I turned 30, na-identify ko na kung bakit takot ako tumanda. Alam ko na kung bakit. Kaya naman pala. Hindi pa ako prepared sa retirement ko. Yes. You read it right, RETIREMENT. Nakakapagod mamasukan, aminin man natin o hindi. Iba pa rin kapag hawak mo ang oras mo at ikaw ang nakakaalam ng bawat galaw mo. Kaya naman napag-desisyunan ko, na bago ako mag 45, magreretire na ako at magmamanage na lang ng sarili kong negosyo. Ayoko din naman umasa sa mga anak ko balang-araw. Hindi nila ako obligasyon. Kung bibigyan nila ako, salamat. Kung wala, salamat pa rin. 

Now, the big question is, paano ba magsimula? Malaking tulong ang magbasa ng mga libro at articles kung paano magpalago ng kayamanan. Pero sa huli, ikaw pa din ang masusunod. Ikaw pa din ang magde-decide dahil ikaw ang may hawak ng pera. The key here is Self Control

Kay kumareng Suze Orman ko natutunan ang pag-build up ng six-to-eight month fund, ang tawag dito ay liquid savings or emergency fund. Importanteng meron ka neto para anu't ano man ang hindi inaasahang pangyayari, meron kang nakatabi at madudukot. No need to elaborate kung ano 'yung mga undesirable circumstances, always expect the worst case scenario (it's not being pessimistic but instead being ready). Multiply your monthly expense figure to 8. Yan ang amount na dapat itabi for emergency. But, in my case I made it simple, my target is, to save 8 times of my monthly salary. Kagaya nga ng sinabi ko, in progress ito at wala pa akong ganoong kalaking halaga, pero pinaghahandaan ko unti-unti. 

How?

Una, kumuha na ako ng insurance/savings/retirement plan. This is payable in 5 years. 10% of my income goes to my emergency fund. 35% for my monthly remittance and the remaining 55% ay para sa monthly expenses ko (food, rent, transportation and bills). Whatever extra income I have for the month (e.g OT) and/or sobra sa monthly expenses ko, goes to my personal/miscellaneous expenses, kailangan ko rin namang mag-unwind at mag-relax noh?! Syempre pag me gusto akong bilhin para sa mga kapamilya ko naghihigpit ako ng sinturon. 

Needs Vs. Wants

Pagdating sa mga anak ko, hindi naman ako nagkukuripot. Bilang bibihira na nga lang kami magkasama, binibigay ko naman ang gusto (wants) nila. BUT...there should be a good and valid reason para ibili ko sila, hindi dahil feel lang nila magpabili o dahil uso lang. Ang maganda sa mga anak ko, when I say "no", they do understand why I denied their request. Honest ako sa estado ng buhay namin. Sinasabi ko na di ko afford. Pero kung afford ko naman at reasonable ibili, Gow!

Future Perfect Tense

At habang bata pa ang mga bagets, dapat meron na rin silang insurance/savings/retirement plan. Dyan na ngayon pumapasok ang bigay ng daddy nila. At dahil di lang naman ako mag-isa ng mabuo ang mga chikiting, dapat me contribution din siya sa kinabukasan ng mga bata. 

Entrepreneurship

Syempre di ka lang naman pwede umasa sa monthly income. Dapat meron ka ring konting pagkakakitaan on the side. Kahit maliit basta me income na pumapasok malaking bagay na rin 'yan. Diskarte ang kailangan, diyan na ngayon papasok ang mga food cart business, load, buy and sell at kung ano-ano pa. Kung marunong kang mag-bake, pwedeng pagkakitaan 'yan, blogging, pera pa rin yan, at madami pang iba, gamitin ang skills at talent para kumita ng extra. 

Bonus at 13th Month Pay

Huwag ubusin ang extrang pera sa luho at iba pa pag may natanggap kang extrang pera. Pwede mong gamiting capital sa negosyo or kaya naman idagdag sa liquid savings. 

Clear everything

Ang pinaka-mahalaga sa lahat, i-settle na ang loan, credit card bills, phone bills etc ng unti-unti or buo na kung may pambayad naman. Dahil hindi magmamaterialize ang mga financial plans mo kung meron kang hinahabol na bayarin with matching interest. I've learned my lesson well at ayaw ko ng bumalik sa pinagdaanan kong financial crisis ng dahil sa mga utang.

Again, I am no expert on this matter. I am just sharing what I have learned from the past and I will continue to learn. Palagi kong sinasabi at uulit-ulitin ko pa: "Nothing is impossible". Kung gusto, madaming paraan, pag ayaw, madaming dahilan. 










Wednesday, March 16, 2011

What I am Thankful For.

thank you note
Photo Credit: http://www.psdgraphics.com/backgrounds/thank-you-note/
"I find a thousand reasons to smile and a million reasons to thank God everyday"

Pagpasok mo sa office, punuan ang MRT, si ate makyawti ang Kelly Clarkson (may B.O in short..hehe), siksikan, bangayan, tulakan, kahit sa side ng mga babae, barbaric ang eksena. Gusto mong sumigaw at haribasin ng sapak ang mga pasaway na mga pasahero. Pero di pwede. Gusto mo ma-You Tube?

O siya mag-taxi na lang para iwas stampede, bilang walang "official taxi stand" sa EDSA, pwedeng kahit san na lang pumara. Si kuya ang laki ng katawan nakipag-agawan pa sa'yo. Imbey da vah?!

Pagdating mo sa office nasalubong mo si Gerlat na malakas mang-lamang sa trabaho, ngiting aso si ate. Sarap patirin. Hmp. 

Araw-araw iba't ibang tao ang nakakausap ko sa telepono. May galit sa mundo, may tuliro, may parang tanga lang, may tanga-tangahan, may annoying, may buraot, may hysterical, may OA, meron ding may "delusion of grandeur". Madaming klase ng customers. Sapat na ang isa para sirain ng bongga ang buong araw mo. 

Pag sira na ang araw mo, sunod-sunod ka ng aalatin sa mga customers na nakakausap mo. Bigla mong maiisip na mag-resign na lang humanap ng ibang work, etc, etc. Nagagalit ka sa mundo, sisimangot ka, maaalala mo ang ex mo, ang kapitbahay mong me utang sa'yo, ang amo mong buraot, lahat na ng pwede mong awayin, aawayin mo. Kung pwede lang mag-amok di ba? 

Looks familiar? Guilty ako na lahat 'yan pinagdaanan ko. Nakaka-stress bago pa lang ako umupo sa desk ko parang ubos na ubos na ang oxygen ko. But then I realized, I am too blessed to be stressed. Bakit ko pababayaan na ang mga simpleng bagay na 'to ang sisira sa maganda kong aura. Chos.

Wag na natin isa-isahin ang blessings, 'teh ha? Madaming madami kang blessings. The fact na nadagdagan pa tayo ng isang araw na mabuhay sa mundo at kasama natin ang mga mahal natin ay isang malaking biyaya na ni Lord. So the next time na may mga "stressors". Smile and Thank God we are still alive, we have work and we have our family and friends to be with at the end of the day. 










My Bucket List

Photo credits from: http://newcreationfive17.com/wp/home/?p=734

Sabi nila ang average life expectancy ng isang tao ay 65. I'm 31 so nasa kalahati na pala ako. Sa dami ng nangyayari sa paligid natin, life is indeed very short. Madami akong gustong gawin, marating, matutunan at ma-experience. Kaya gusto ko i-share ang "Bucket List" ko, wishing na ma-achieve ko ito bago ako ma-tegibam. Here's my first 25.

1. Celebrate my big 4-oh na healthy, happy, sexy at young looking
2. Reach and maintain my ideal weight, READ: 55kg.
3. Bring my children with me anywhere and spend more time with them as much as I can.
4. Run my own business before I reach the age of 40.
5. Travel the entire South East Asia.
6. Bungee Jump
7. Sky Dive
8. Earn MA in Psychotherapy (and a license to practice in UK or AU)
9. Learn to speak at least one European language (fluently)
10. Learn to drive and get a pro licence
11. Become a vegetarian
12. Practice yoga regularly
13. Meditate everyday
14. Conduct a seminar/workshop about positive thinking
15. Visit the Holy Land
16. Teach in a university
17. Write a book
18. Learn to dance gracefully
19. Sing in a gathering
20. Marry the right man
21. Meet the Eden Tolentino (no bitterness, I just want to see and meet her)
22. Become a certified psychotherapist
23. Renovate our house (for my parents and siblings)
24. Buy a real estate property (farm / island / fishpond)
25. Retire before I reach the age of 45

Madami pa akong nasa list, 'yung iba fancy lang but fulfilling para sa akin. Kasama na rin syempre sa list ko ang makita kong matapos sa pag-aaral at naaabot ng mga anak ko ang mga gusto nilang marating.

This list serves as my motivation and a reminder that life is worth living. Kahit madaming hindi maganda ang nangyayari sa paligid natin, there is always something to look forward to.

God created us because we have a purpose in life. Do not be disheartened kung hindi lahat ng nasa lists mo ay hindi nasusunod, there is always a reason for everything. Whatever it is, it is for our own good. Just trust and believe that He will always guide us and nothing is impossible if we really work hard for it.

Others may pull you down, but don't allow them to do so. Instead, pull them up with you, so they can see they can experience and appreciate the view from the top.





Tuesday, March 15, 2011

Si Guying at Si Soping



Katatapos lang sampung araw na bakasyon ko sa Pilipinas at naho-homesick na naman ako. Sana mas mahaba-haba pa nga para makasama ko ang mga bulilit. Anyhow, it was a fun-filled week. Ang dami ko nadiscover sa mga anak ko.

I couldn't believe myself na nanggaling sila sa akin, few years back sobrang helpless pa sila, iyak ng iyak pag di agad nakadede, ang babaw pa ng kaligayahan, konting make face lang humahalakhak na. Ngayon nakikita ko na ang mga personalities nila, may masungit, sumpungin, malambing at kalog. 

Meet Guying. 

He just turned 9. Gaeb is the adventurous type, witty, active, and has a good sense of humour. He's my exact replica pagdating sa mga banat. Magaling sa pick-up lines at mukhang bolero ito paglaki (Wag naman po sana!). Favorite channel nya ang NatGeo at Discovery Channel, kaya nga animal at nature lover sya, gusto niya daw maging Archeologist at interesado din siya sa iba't ibang languages. In fact, he uses Babelfish to translate some words in various languages. Mahilig din sya magbasa, magkutingting at mag-eksperimento. May pagka-nosy sya at panalo sa komento, opinionated sya, actually. Aged 4 pa lang siya madami na siyang alam sa computer, marunong ng mag online games at social network, he's a "master Googler" and a PSP fanatic (minus the walkthrough). Well, I don't mind raising a geek. Bill Gates and Steve Jobs are well known geeks, right?



My Little Princess.

Sofia is a combination of my sweet and rugged persona. Artist ang aking bunso, mahusay ang kamay, magaling mag-drawing at mag-paint. Modesty aside, toddler pa lang siya alam ko na me talent sa pagguhit ang anak kong ito. Wala pa siyang one year old, marunong ng mag-shade using a ballpoint pen. She's creative and very imaginative. May pagka-unpredictable nga lang. Babae talaga. Moody at masungit. She's only 7 and has not yet decided kung ano ang gusto niya paglaki niya. Pero isa lang ang napansin ko sa anak kong ito. She's a very simple person. Walang arte, sumpungin nga lang. 

I am a proud momma, sobra. My kids are my life, my treasure and my pride.

Sunday, March 13, 2011

Prediksyon

2 days ago, niyanig ng lindol ang Japan. Nadudurog ang puso ko tuwing napapanuod ko mga pangyayari. Nakakakilabot, nakakatakot. Mas doble ang kaba ko bilang isa na akong ina. Kabi-kabila ang mga kuwentong barbero na nadidinig ko, andyang malapit ng magunaw ang mundo kasi sunod sunod daw ang mga trahedya. 

Kung kelan naman tapos na ang kalamidad saka magsusulputan ang mga hula-hula na kesyo na-predict na daw ni Nostradamus. Teka, eh bakit sariling death niya di nya na-predict? Kung iisipin, alam pala nila na me magaganap na ganung pangyayari bakit di nag-warning? bakit di nakipag-ugnayan sa mga kinauukulan para ma-evacuate ang mga maapektuhan?

Minsan, kelangan natin gamitin ang common sense. I-analyze natin ang mga probabilities ng  mga naganap na kalamidad sa history natin. Halimbawa, me nabasa ako sa isang article: "This is the kind of earthquake that hits once every 100 years." So, aware naman pala sila. 

Hindi naman siguro kailangang maging Geologist o genius para maunawaan ang mga plates di ba? Kasi tinuro naman sa atin 'yun nung elementary tayo. Sapat na sa akin ang ma-educate ko uli ang sarili ko at ang mga anak ko tungkol sa mga bagay na ito para naman di sila lumaki na dumedepende sa mga kwento ng prediksyon. Salamat sa Google.

At dahil si Mother Earth ay "temperamental", wala tayo magagawa at the moment kung hindi ang manalangin at humingi ng proteksyon sa Maykapal. Dahil Siya lang at wala ng iba ang nakakaalam ng lahat.

Let's do our part to be one with our Creator and Mother Earth.

Sources:
http://www.cbsnews.com/stories/2011/03/12/earlyshow/saturday/main20042463.shtml
http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-pacific-12709598

Monday, March 7, 2011

What's Brewing?

Coffee Cozy Sleeve Set -- I Love Coffee, Rain or Shine

Lunes na naman. Minsan di ko maiwasang mapa-buntong hininga. Nakakatamad magtrabaho. Isa na naman ito sa mga araw na feel ko lang hindi pumasok. Habang tinitipa ko ang mga titik na 'to, bigla akong napaisip, "Bakit nga ba ako tinatamad pumasok?". Wala naman ako gagawin sa bahay, di naman ako yayaman pag humilata ako, di naman ako pensyonada, at wala naman akong asawang milyonaryo. Pag lumabas naman ako, ano gagawin ko? Mag-shopping? Syet. Eh malapit na nga mid-month paubos na ang datung. Hmp. Fine. Papasok ako. Happy mood, ON!

Netong biyernes lang tinanong ako ng kataas-taasan at kagalang-galangan na Accounts Manager namin. Bakit daw demoralized ang mga tao sa office? Sabi ko, wala naman akong nararamdamang ganun sa office, basta ako hindi ganun, nabuburaot lang ako sa di fair na hatian sa work. Yun lang. (In fairness, sabi nya aayusin daw nila 'yan. Sana ASAP)

Sabi ko, "Depende sa tao 'yun, boss." Sabay tingin ng deretso sa mata niya. "Wala naman sa opisina ang diperensya. Nasa bawat isa 'yan. May iba mas pinili nila maging masaya sa trabaho at ang iba naman puro reklamo lang. Siguro, di sila masaya. Kung di masaya, eh di umalis, humanap ng iba." Me punto nga naman daw ako sabi ng amo ko. Agree sya. Tama. Pak. Check. 

Totoo naman kasi, tayo ang responsable sa lahat. Pag pinili mong maging malungkot at ma-badtrip, aba eh magdusa ka! Forever kang miserable. Pero kahit mahirap ang work basta happy ka naman, ok na ok 'yan. You are attracting positive vibes! Simple lang naman, kung hindi ka na masaya sa trabaho mo, sa mga kasama mo, sa amo mo, sa sweldo mo, sa lahat, aba, aba! mag-balot balot ka na at maghanap ka na ng lilipatan bago pa kumalat ang negativity sa opisina. Mabilis kumalat 'yan. Aminin mo, weakness ng tao na kapag naramdaman na me karamay sa mga reklamo, lumalakas ang loob. Try mo isipin ang mga benefits ng pagiging masaya sa trabaho, una, productive ka, pangalawa, maganda ang impression ng boss mo sa'yo, at higit sa lahat maaari ka ding ma-recognize dahil sa attitude mo sa work. 

Tandaan: Humanap ka ng trabaho na magiging masaya ka, mag-eenjoy, 'yung excited ka pumasok kasi alam mong may bago ka na namang matututunan. Kung sa tingin mo wala ka naman matututunan, humanap ka ng bagong ng kaalaman sa opisina niyo. 

Sabi nga ni Confucius: "Choose a job you love, and you will never have to work a day in your life."

So, hala! Galaw-galaw na! 

Photo credits: http://www.etsy.com/listing/34514204/coffee-cozy-sleeve-set-i-love-coffee









Wednesday, February 16, 2011

The 30 Something Survival Guide (Single Girl Edition)

Thirty something ka na ba? Late twenty's? Naba-bother ka na ba sa tuwing tinitignan mo ang kalendaryo? Bakit hanggang 31 lang ang petsa (or 30 sa mga pinanganak ng September, April, June at November)? Hindi ba pwedeng i-extend? Yan ang alam kong nasa isip ng mga kaibigan ko na kung hindi choosy, or ang favorite quote ay: "I'm happy being single". Pero aminin mo, ang totoo niyan, gustong-gusto mo nang mahanap ang tamang partner para sa'yo kaya lang...


Single # 1: Kagagaling mo lang sa isang traumatic relationship

Nahuli mo sya na niloloko ka lang niya. May third party involved. Me asawa't anak pala at nagpapanggap lang na binata. Nakabuntis ng FuBu. "Bi"-yot siya at mas bet niya ang lalake kesa babae. Abusive na partner (verbal or physical). Ilan lang 'yan sa mga halimbawa ng isang kalunos-lunos na relasyon na talaga namang di na dapat pinatagal.

At dahil nga ganyan ang nakaraang relasyon mo, nagbago ang tingin mo sa mundo. Feeling mo lahat ng lalaki manloloko, papaasahin at sasaktan ka lang at higit sa lahat wala ng straight. Why not give yourself a break? Imulat mo ang mata mo, baka nasa tabi mo lang siya kaso nag-aalangan ka kasi baka kagaya rin siya ng ex mo.

Anong dapat gawin?

Siguraduhin mong ready ka na at talagang naka-move on ka sa ex mo. Baka naman subconsciously, hinahanap hanap mo pa rin ang pagiging self-centered at pagka-sadista niya. Ikaw na ang makakapagsabi kung talagang you're so over him bago ka pumasok sa isang relasyon.

Pag 100% sure ka na hindi ka na "on the rebound",  Aba! huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa! Go na 'teh! Wag ka ng magpakipot.

Be honest. Sabihin mo sa prospect mo ang pinagdaanan mo, hindi 'yung over acting ha! Hindi paawa effect. Casual lang. Iparating mo sa kanya na hindi biro ang pinagdaanan mo pero you're stronger now at ready ka ng harapin ang lahat ng dadating sa buhay mo.

Kilatisin mong maigi (Huwag mala-imbestigador, praning much?).

Pag hindi ka "desperado" sa kanya, this is it. Ibig sabihin, kumportable ka at tiwala ka sa relasyon ninyo.

Take it slow. Slowly but surely. Mas exciting ang relasyon kung walang pressure na involve. Spontaneity is the keyword here.


Single # 2: Single by Choice

Wala pang dumadating eh ('Teh anong petsa na?). Hindi pa ako nililigawan or pinapansin ng crush/type ko (Spell A.S.A). Wala na ata magkakagusto sa akin. Busy ako sa career!

So masaya ka na ng ganyan? Tapos ano? bitter-bitteran ka pag nakakadinig ka ng mga love songs na nakaka-relate ka, naiinis ka pag nakakakita ka ng mga mag-jowa with matching bulong ka sa sarili na "Magbi-break din kayo! Tse!". Yung iba naman dyan, may I peek sa Facebook account ng mga bet nilang boylet, para updated sa latest chika kung  pero anong ginagawa mo? Peek lang?? Anubeh.

Anong dapat gawin?

Para kay ate na waiting in vain (hindi na uso 'yan):

Kailangan: Tibay at Lakas ng loob.

Pag naghintay ka lang dyan, uugatin ka lang, walang mangyayari sa'yo. Be Proactive. Subukan mong i-text sya. Try lang. Pag nag-reply, magandang sign 'yan. Sundutan mo pa ulit ng ilang text. Pag smooth na ang flow ng conversation saka mo landiin. Oh di ba? No sweat.

Para sa mga Facebook stalker:

Kailangan: Confidence (Lots of it!)

Kung di mo siya friend, i-add mo. Mag PM (private message) ka. Say "hi", or "thanks for the add" keme. Pag wit reply, wag mawalan ng pag-asa. May chat pa naman. Chat mo. Pag biglang nag-offline. Ay, let go na 'teh. Di ka bet. Hanap ka na ng iba ha. Not worth it.

Para busy-busyhan keme:

Kailangan: Time at Social Life

Ikaw na! Career Woman 'teh? Wag magpanggap na busy. May time ka talaga. Ayaw mo lang, pero dama ko ang desire mo na gusto mo ng someone to share your achievements.

Either sobrang taas ng SLA (Service Level Agreement. Chos) mo sa mga lalaki or mas gusto mo pang matulog kesa makipag-socialize sa opposite sex. Oh well, papel.

Grab your phone at mag-set ng isang bonggang inuman kasama ang mga friends at bet na guy/s. Kung shala ka naman, pa-book na ng isang out of town or out of the country get away with the object of your affection. Madaming airfare sale ngayon 'teh! Gow!

Bottom line is, ayos lang naman na lumandi. PERO wag naman lahat ng lalaki eh lalandiin mo. 
Di na fab 'yun 'teh. Ayaw mo naman sigurong maging Pambansang Slut.

Umarte ng tama lang. Yung naaayon sa itsura at guts mo. At siguraduhing ang lalandiin ay SINGLE. Meaning: Walang asawa. Walang GF. 

Huwag magpapadala sa mga: "it's complicated" na status, tricky ang status na 'yan at madalas gamitin ng mga gustong makalamang.

Be wais mga ateh. Gamitin ang utak at di lang puso. 

And with that, sabay-sabay bigkasin ang affirmation:

"I change the way I look at things and the things I look at are changing in postive ways."

Chos.

V Day Fever


Salamat at naitawid ng maayos ang V Day. Yes, Valentine. Well, hindi naman ako affected sa ganyan-ganyan lumilipas ang araw na 'yan na parang wala lang. Hindi naman sa nakokornihan, di lang ako sanay na mag-"celebrate". Sabi nga ng aking object of affection, (itago na lang natin sa pangalang "Mr.Big"), "Everyday's a Valentine", Oh ha? Well, in fairness, totoo naman, each day is indeed a V Day with him. Di ko itatanggi 'yan.

Yaman din lamang love month ngayon, nais kong ibahagi ang aking nakakaaliw at nakakabaliw na buhay pag-ibig.

Edad 15 ng ako ay magkaroon ng infatuation. At talagang ni-research ko pa ang meaning ng word na 'yan para i-justify ang nararamdaman ko nung mga panahong 'yun. Package deal kasi kami ng pinsan ko noon, pag me nanliligaw sa kanya, me isang friend dapat na manliligaw din sa akin. It's a must. Kung gusto ni kuya na makadalaw sa pinsan ko. Sa madaling sabi, si friend (na hunk pa din ngayon after 15 years) ay naging boypren-boyprenan ko, subalit ako lang ata ang nakakaalam na jowa ko sya? Funny. Taon din ang binilang bago ako tuluyang naka-move on kay kuya. Nagkaroon din kami ng sequel after a few years, pero ibang usapan na 'yon.

Edad 18 naman ng makilala ko si "Bangaw", oo, bangaw. As in malaking fly. Why? May malaki syang mole sa ilong, sa totoo lang nakalimutan ko na ang itsura nya. Yung mole lang nya ang prominente na naka-rehistro sa utak ko. Hirap din ako maka-get over sa kanya, dahil hindi ko matanggap na me gf na pala sya before me. Taray ni Kuya huh? Sa itsura niyang 'yun nakuha pang mag-two time. Wala na ako balita sa kanya.

1997 din nung makilala ko 'yung papable na payat from piyo. Barkada siya ng isang pinsan ko, but this time walang package deal na naganap. Friends lang talaga. Matagal din akong pina-kilig ng lalaking 'to. Sa kanya ko naranasan kiligin hanggang sa kaibuturan ng buto ko. OA ang description, pero 'yan ang totoo. Ilang pahina rin ng diary ko ang na-occupy ng mga kagagahan ko sa kanya, kaso, hindi nagkaroon ng chance magka-moment sa kanya kasi madami syang gf parang di nababakante si kuya. Lumipas ang ilang taon nawalan kami ng communication. Buti na lang may Facebook.

Boy Toy ko na sya ngayon. *kilig*. Echos lang. Mag-react mababaog. Hmp. 

Nakakatuwa pag naalala ko. Pero sabi nga ng isang kanta:

"I remember the boy, but I don't remember the feeling..... anymore"


Photo credits from: http://www.crazyleafdesign.com/blog/free-valentines-day-vectors-collection/

Financial Keme

Eto na. Magsa-sariling sikap na ako. (O wag mag-react!) Nagsisimula na po akong magbasa ng mga libro about financial keme. Hindi pa naman huli ang lahat.

My Maiden Blog

Actually, this is not really my maiden blog. Madami na rin akong blog na unpublished, dinelete at meron ding existing pero di ko na maalala ang password. Marahil, I'm not so into it. Maaring busy din ako nung mga panahong di ko feel ko magblog-blogan. But here I am again. I can't help it. Hindi ko talaga maiwasang magsulat. Sulat lang ng sulat. Lahat ng pumasok sa isip ko isusulat ko. Kaya nga Madam Mema di ba? MEMAsabi lang.

Malikot ang isip ko, maharot, ma-imahenasyon. Bata pa lang ako alam kong madaming naglalarong ideya sa utak ko, mga tanong na pilit kong hinahanapan ng sagot, take note, ON MY OWN. Hindi ako bibo kid nung bata ako pero alam ko na I have this "hunger for knowledge", hindi kasi ako satisfied sa mga tinuturo sa school. Mahilig akong magbasa, kahit ano binabasa ko. Broadsheet, tabloid, Xerex, textbook, paperback, Liwayway magazine at kung anu-ano pa na pwedeng basahin na mabubusog ang isip at mata ko.

Bakit nga ba nagblog ako ulit? Simple. Gusto ko isulat ang lahat ng nasa isip ko, mula sa pagbabalik tanaw sa aking fresh-freshan days, sawing pag-ibig, hanggang sa mga bagong karanasan na gusto ko lang ipagyabang. Wala lang. Blog ko 'to.

Hala. Sitback. Relax and Enjoy the ride.