Wednesday, February 16, 2011

V Day Fever


Salamat at naitawid ng maayos ang V Day. Yes, Valentine. Well, hindi naman ako affected sa ganyan-ganyan lumilipas ang araw na 'yan na parang wala lang. Hindi naman sa nakokornihan, di lang ako sanay na mag-"celebrate". Sabi nga ng aking object of affection, (itago na lang natin sa pangalang "Mr.Big"), "Everyday's a Valentine", Oh ha? Well, in fairness, totoo naman, each day is indeed a V Day with him. Di ko itatanggi 'yan.

Yaman din lamang love month ngayon, nais kong ibahagi ang aking nakakaaliw at nakakabaliw na buhay pag-ibig.

Edad 15 ng ako ay magkaroon ng infatuation. At talagang ni-research ko pa ang meaning ng word na 'yan para i-justify ang nararamdaman ko nung mga panahong 'yun. Package deal kasi kami ng pinsan ko noon, pag me nanliligaw sa kanya, me isang friend dapat na manliligaw din sa akin. It's a must. Kung gusto ni kuya na makadalaw sa pinsan ko. Sa madaling sabi, si friend (na hunk pa din ngayon after 15 years) ay naging boypren-boyprenan ko, subalit ako lang ata ang nakakaalam na jowa ko sya? Funny. Taon din ang binilang bago ako tuluyang naka-move on kay kuya. Nagkaroon din kami ng sequel after a few years, pero ibang usapan na 'yon.

Edad 18 naman ng makilala ko si "Bangaw", oo, bangaw. As in malaking fly. Why? May malaki syang mole sa ilong, sa totoo lang nakalimutan ko na ang itsura nya. Yung mole lang nya ang prominente na naka-rehistro sa utak ko. Hirap din ako maka-get over sa kanya, dahil hindi ko matanggap na me gf na pala sya before me. Taray ni Kuya huh? Sa itsura niyang 'yun nakuha pang mag-two time. Wala na ako balita sa kanya.

1997 din nung makilala ko 'yung papable na payat from piyo. Barkada siya ng isang pinsan ko, but this time walang package deal na naganap. Friends lang talaga. Matagal din akong pina-kilig ng lalaking 'to. Sa kanya ko naranasan kiligin hanggang sa kaibuturan ng buto ko. OA ang description, pero 'yan ang totoo. Ilang pahina rin ng diary ko ang na-occupy ng mga kagagahan ko sa kanya, kaso, hindi nagkaroon ng chance magka-moment sa kanya kasi madami syang gf parang di nababakante si kuya. Lumipas ang ilang taon nawalan kami ng communication. Buti na lang may Facebook.

Boy Toy ko na sya ngayon. *kilig*. Echos lang. Mag-react mababaog. Hmp. 

Nakakatuwa pag naalala ko. Pero sabi nga ng isang kanta:

"I remember the boy, but I don't remember the feeling..... anymore"


Photo credits from: http://www.crazyleafdesign.com/blog/free-valentines-day-vectors-collection/

No comments: