Katatapos lang sampung araw na bakasyon ko sa Pilipinas at naho-homesick na naman ako. Sana mas mahaba-haba pa nga para makasama ko ang mga bulilit. Anyhow, it was a fun-filled week. Ang dami ko nadiscover sa mga anak ko.
I couldn't believe myself na nanggaling sila sa akin, few years back sobrang helpless pa sila, iyak ng iyak pag di agad nakadede, ang babaw pa ng kaligayahan, konting make face lang humahalakhak na. Ngayon nakikita ko na ang mga personalities nila, may masungit, sumpungin, malambing at kalog.
Meet Guying.
He just turned 9. Gaeb is the adventurous type, witty, active, and has a good sense of humour. He's my exact replica pagdating sa mga banat. Magaling sa pick-up lines at mukhang bolero ito paglaki (Wag naman po sana!). Favorite channel nya ang NatGeo at Discovery Channel, kaya nga animal at nature lover sya, gusto niya daw maging Archeologist at interesado din siya sa iba't ibang languages. In fact, he uses Babelfish to translate some words in various languages. Mahilig din sya magbasa, magkutingting at mag-eksperimento. May pagka-nosy sya at panalo sa komento, opinionated sya, actually. Aged 4 pa lang siya madami na siyang alam sa computer, marunong ng mag online games at social network, he's a "master Googler" and a PSP fanatic (minus the walkthrough). Well, I don't mind raising a geek. Bill Gates and Steve Jobs are well known geeks, right?
My Little Princess.
Sofia is a combination of my sweet and rugged persona. Artist ang aking bunso, mahusay ang kamay, magaling mag-drawing at mag-paint. Modesty aside, toddler pa lang siya alam ko na me talent sa pagguhit ang anak kong ito. Wala pa siyang one year old, marunong ng mag-shade using a ballpoint pen. She's creative and very imaginative. May pagka-unpredictable nga lang. Babae talaga. Moody at masungit. She's only 7 and has not yet decided kung ano ang gusto niya paglaki niya. Pero isa lang ang napansin ko sa anak kong ito. She's a very simple person. Walang arte, sumpungin nga lang.
I am a proud momma, sobra. My kids are my life, my treasure and my pride.
No comments:
Post a Comment