Photo Credits: http://dark.pozadia.org/wallpaper/Lonely-Emo-Vector/ |
Paunawa: Ang blog entry na ito ay para sa mga boylets ni Madam from the past. Wala pong romantic keme na namagitan sa kanila. Nothing serious. For entertainment purposes only. Char.
Nabanggit ko sa isa kong entry last month, "I remember the boy(s), but I don't remember the feelings anymore." Oo, para sa inyo ito. Naalala ko lang walang personalan. Kinikilig lang ako. Pampabata factor lang.
Para kay Boy # 1:
Lampas isang dekada na ang nakakaraan pero di pa rin kita makalimutan. Madalas ka pa rin sumagi sa isip ko. Malakas ang dating mo, cuteness ka pa rin naman kahit wala ka na sa kalendaryo. Single ka, ako naman, it's complicated. Bagay tayo. Sabihin mo nga sa akin, ng mata sa mata, kung hindi mo feel i-revive ang past, eh bakit chumichika ka pa rin sa akin after all these years? Hindi ako naniniwalang bored ka lang. That's BS.
I appreciate your effort. At least di nasayang ang sleepless at Crayola nights ko 15 years ago. May chemistry naman tayo, kaya lang ayaw mo naman ng commitment. Keri lang, friends pa rin naman tayo hanggang ngayon, at regular kalandian kita. *hihihi*
Para kay Boy # 2:
Ikaw na ang wagas kong pag-ibig for 2 years. Iniyakan din kita, in fairness. Until now, hindi ko pa rin ma-figure out bakit kita iniyakan. Basta ang alam ko pinag-pray ko talaga na maging tayo, with the intercession of Saint Jude Thaddeus. Kaso, olats pa rin.
Salamat nga pala, nang dahil sa'yo motivated ako pumasok sa school araw-araw. Kung sinlakas lang ng loob ko ngayon ang eksena ko noon, eh di sana "Let's make a memory" ang drama natin.
Para kay Boy # 3:
Di ko 'to kinaya, Kuya! Akalain mo?? Kung mare-reformat lang ang memory ko, ikaw sana ang unang ma-delete. Forever. Hindi ako bitter, di lang talaga ako makapaniwala naging part ka ng past ko. Pasalamat ka wala ka pang Facebook, magtagpo man tayo ulit, sasakit tyan ko kakatawa.
Para kay Boy # 4:
K. (Wala ako masabi!)
At sa iba pang boylets, di ko na maalala ang feelings eh. Sensya na ha? Wala na ako maalala.
Try ko mag-rewind.
1 comment:
ikaw na ang emo! kakawindang tong post na to teh.
Post a Comment