Photo Credit: http://www.internetjobsworkingfromhome.net/extra-income-from-home/ |
Hindi ko namalayan, Linggo na pala. Busy kasi si Madam humanap ng freelance keme online. Siyempre, kailangan kumita ng extra bilang bakante naman ako pag weekend.
Moving on, buwan na naman ng Marso. Bakasyon na sa school at menos na sa gastos ng baon at pamasahe. Actually, wala naman talagang pahinga ang wallet ng mga mommies na gaya ko, kasi pagpasok ng Abril, Hello! enrolment na naman tayo. Siyempre pag Mayo, bilihan ng books at school supplies, isama pa natin ang uniform at iba pang expenses sa pagbukas school year.
Nakakaloka din ang mag-budget lalo pa at pabago-bago ang galaw ng presyo ng bilihin at pamasahe, sweldo na lang ang hindi gumagalaw. Na-comatose na ang sahod. Hmp. Nahilo na ako kakakwenta, hindi ako happy sa numbers ko.
Naisipan ko kailangang rumaket.
Marami-rami na rin akong kuwentong narinig at me ilan na ring kakilala ang yumaman ng hindi umaalis ng bahay. In fact, may kasama ako dati sa Convergys na talaga namang ang laki ng sahod, parang OFW ang sahod. Take note: sa bahay lang siya. Di siya umaalis ng bahay. Naikuwento niya sa akin ito mga 3 or 4 years ago, at may mga pruweba talaga na kumita sya ng above 50k a month. Buti na lang at naalala ko pa ang mga tweets niya, kaya naghalungkat ako ng bongga at voila! Nakita ko rin ang link kung paano siya kumikita ng malaki.
Isa siyang freelance writer/editor/copywriter para sa iba’t ibang kumpanya na naka-base sa US. At dahil magaling naman umingles si ate, dumami ang kanyang mga clients. May mga nagpapagawa ng articles sa kanya, may mga nagpapa-proofread at kung anu-ano pa. Per hour ang bayaran dito, in US $$$!
Kaya si Madam Mema, gawa agad ng account sa freelance website na eto. Sayang naman ang maganda kong laftaf at mabilis na internet connection, kailangan kong mabawi ang ginastos ko sa kanila sa lalong madaling panahon!
Hindi basta basta ang paggawa ng account dito, hindi parang Facebook or Friendster na gagawa ka ng profile pic na naka-anggulo, kailangan panalo ang cover letter, résumé, at dapat pasado ang mga proficiency tests na kukuhanin mo. Hindi lang naman para sa mga writers at customer service ang mga trabahong available, meron sa trading, administrative, IT, sales at events planning. Attractive ang mga per hour rates nila from $2-$20 an hour, depende sa length at klase ng project.
Hindi basta basta ang paggawa ng account dito, hindi parang Facebook or Friendster na gagawa ka ng profile pic na naka-anggulo, kailangan panalo ang cover letter, résumé, at dapat pasado ang mga proficiency tests na kukuhanin mo. Hindi lang naman para sa mga writers at customer service ang mga trabahong available, meron sa trading, administrative, IT, sales at events planning. Attractive ang mga per hour rates nila from $2-$20 an hour, depende sa length at klase ng project.
Salamat naman at may isa na akong project, naghihintay na lang ako ng materials at under negotiation ang working hours bilang rumaraket lang naman ang Madam Mema. Sana maayos ang lahat at walang aberya para makapag-simula na ako sa lalong madaling panahon. Sa pagkakaalam ko pwede ka ring tumanggap ng higit pa sa isang project basta ba kaya ng powers mo at hindi ka masisira sa mga employers, otherwise, bad reputation ka na sa mga freelance websites.
Kung sinuman sa inyo ang interested na rumaket, aba, mag-comment na kayo sa baba.
Sasabihin ko sa inyo kung saan at kung paano. :)
Sasabihin ko sa inyo kung saan at kung paano. :)
Ciao!
No comments:
Post a Comment