Photo Credit: http://goodwitchbadwitch.com/2009/09/ |
Tuwing nagkikita kami ng best friend ko, palagi na lang namin napag-uusapan ang mga sama ng loob ko sa dati kong opisina. Walang palya 'yan. Balitaan kami kung anong stressful events ang nangyayari sa taong nagbigay ng bigat sa dibdib ko sa loob mahigit 2 taon. Inaamin ko, malaki talaga ang inis ko sa taong 'yun. Kaya naman di ko maiwasan maghimutok sa aking BFF pag nagkikita kami. Isang taon na rin ang nakaraan ng umalis ako doon pero hanggang ngayon dala ko pa rin sa dibdib ko ang lahat ng mga ginawa sa akin ng taong 'yun.
Marahil nagtataka kayo bakit ganun na lang ang laki ng inis ko. Ano ba ang mga pinag-gagagawa niya? Hindi ko na maalala lahat, pero ilan sa mga natatandaan ko, mahilig sya gumawa ng kuwento, mahilig sya tumira ng patalikod (hindi po siya bakla, backstabber lang), at lagi syang may suot na maskara pag kausap niya ako. Nanlalaglag din sya, may pinapaburan, mahilig sa pulitika at sinungaling. Ilan lang yan sa mga ugali nyang nakakahiya hindi lang sa mga kasama naming ibang lahi, maging sa mga kapwa pinoy na rin. Hindi ko maunawaan kung bakit ganon na lang ang pagtrato niya sa akin, marahil ay insecure o takot siyang mabunyag ang mga kalokohan niya, kaya isang malaking banta ako sa karir niya.
Lumipas ang maraming araw, tuluyan ng hindi nag-improve ang samahan namin hanggang sa umabot na nga sa puntong kailangan ko ng magpaalam, bilang di ko na makayanan ang stress sa trabaho at sa mga taong nakapaligid sa akin.

Madami pa akong nalaman tungkol sa mga sinasabi niya sa akin pag hindi niya ako kaharap pero mas pinili ko na lang na manahimik at iwasan syang kumprontahin, naipon ang galit at inis ko sa kanya kaya naman nasasabi ko lang lahat ng ito sa aking matalik na kaibigan. Napapansin ko na ganun na lang pala palagi ang topic namin ni BFF, naapektuhan ko na rin pala siya sa mga negative vibes na nilalabas ko tungkol sa taong ito. Hindi maganda. Both for me and the people around me. But let me clarify one thing, hindi ako nagrereklamo, naglalabas ako ng saloobin ko. Sabagay, either way, may negative effect pa rin.
Na-realize ko, it's about time to move on. Oo, papatawarin ko na siya. Gagawin ko ito hindi para sa kanya, kung hindi para sa akin at sa mga taong nakapaligid sa akin.
Bilang isa kang malaking negative sign, I've decided, lalarga na ako. Kakalimutan ko na lahat ng ginawa mo, dahil walang ibang nakakakilala sa buong pagkatao ko, kung hindi ako lang at ang mga taong nagmamahal sa akin. Kaya, kung ano man ang mga pinagkalat mo tungkol sa akin, totoo man o hindi, hindi ako maapektuhan. Dahil, wala na akong kinalaman sa'yo, at ikaw din sa akin. Alam kong may pinagdadaananan ka, higit na mas malaki ang problema mo kaysa sa akin at mas naiintindihan na kita ngayon.
Sayang naman ang kursong tinapos ko kung di ko gagamitin sa mga pagkakataong kagaya nito. At sa ugaling pinakita mo sa akin, mas nakilala kita ng lubusan. Sayang, magka-zodiac sign pa naman tayo, akala ko pa naman kasundo ko lahat ng kapareho ng zodiac sign ko, pero sabi nga ng isang article na nabasa ko, either maging magkasundo or arch-nemesis tayo. In our case, we're the latter.

Masyado ng malaking space ng dibdib ko ang na-ooccupy mo, kaya naman mag-dedelete na ako at papalitan ko ng mas karapat-dapat na emosyon ang ise-save ko. So, with all my heart, Madam, I wish you well.
May God bless your heart.
No comments:
Post a Comment