Lunes na naman. Minsan di ko maiwasang mapa-buntong hininga. Nakakatamad magtrabaho. Isa na naman ito sa mga araw na feel ko lang hindi pumasok. Habang tinitipa ko ang mga titik na 'to, bigla akong napaisip, "Bakit nga ba ako tinatamad pumasok?". Wala naman ako gagawin sa bahay, di naman ako yayaman pag humilata ako, di naman ako pensyonada, at wala naman akong asawang milyonaryo. Pag lumabas naman ako, ano gagawin ko? Mag-shopping? Syet. Eh malapit na nga mid-month paubos na ang datung. Hmp. Fine. Papasok ako. Happy mood, ON!
Netong biyernes lang tinanong ako ng kataas-taasan at kagalang-galangan na Accounts Manager namin. Bakit daw demoralized ang mga tao sa office? Sabi ko, wala naman akong nararamdamang ganun sa office, basta ako hindi ganun, nabuburaot lang ako sa di fair na hatian sa work. Yun lang. (In fairness, sabi nya aayusin daw nila 'yan. Sana ASAP)
Sabi ko, "Depende sa tao 'yun, boss." Sabay tingin ng deretso sa mata niya. "Wala naman sa opisina ang diperensya. Nasa bawat isa 'yan. May iba mas pinili nila maging masaya sa trabaho at ang iba naman puro reklamo lang. Siguro, di sila masaya. Kung di masaya, eh di umalis, humanap ng iba." Me punto nga naman daw ako sabi ng amo ko. Agree sya. Tama. Pak. Check.
Totoo naman kasi, tayo ang responsable sa lahat. Pag pinili mong maging malungkot at ma-badtrip, aba eh magdusa ka! Forever kang miserable. Pero kahit mahirap ang work basta happy ka naman, ok na ok 'yan. You are attracting positive vibes! Simple lang naman, kung hindi ka na masaya sa trabaho mo, sa mga kasama mo, sa amo mo, sa sweldo mo, sa lahat, aba, aba! mag-balot balot ka na at maghanap ka na ng lilipatan bago pa kumalat ang negativity sa opisina. Mabilis kumalat 'yan. Aminin mo, weakness ng tao na kapag naramdaman na me karamay sa mga reklamo, lumalakas ang loob. Try mo isipin ang mga benefits ng pagiging masaya sa trabaho, una, productive ka, pangalawa, maganda ang impression ng boss mo sa'yo, at higit sa lahat maaari ka ding ma-recognize dahil sa attitude mo sa work.
Tandaan: Humanap ka ng trabaho na magiging masaya ka, mag-eenjoy, 'yung excited ka pumasok kasi alam mong may bago ka na namang matututunan. Kung sa tingin mo wala ka naman matututunan, humanap ka ng bagong ng kaalaman sa opisina niyo.
Sabi nga ni Confucius: "Choose a job you love, and you will never have to work a day in your life."
So, hala! Galaw-galaw na!
No comments:
Post a Comment