Monday, March 21, 2011

OFW Survival Guide (Housemate Edition)


Madami sa atin ang umaalis ng Pilipinas sa pag-asang kikita tayo ng malaki at mabigyan ng maayos na buhay at magandang kinabukasan ang ating pamilya.
Kaya naman kahit mahirap, umalis ako para matupad ko ang mga plano ko para sa aking mga anak.

Sa loob ng 4 na taon na pagtatrabaho ko sa Singapore, madami na rin akong na-experience na talaga namang di makakalimutan at gusto kong i-share sa inyo ito lalu na sa mga aspiring OFWs para alam na ninyo ang mga aasahan pagsabak niyo sa ibang bansa.

Pagdating niyo sa ibang bansa ang una ninyong hahanapin syempre ay iyong matutuluyan ninyo. Pag wala kang kamag-anak, uupa ka ng isang kuwarto o makikishare ka sa isang bagong kakilala para tipid. Hangga’t maari ay ‘yung kumportable ka at mababait ang mga kasama mo sa bahay, bilang kayo-kayo na nga lang ang Pinoy, sino pa ba ang magtutulungan? WRONG.

Be Independent.

Pagtungtong mo pa lang sa NAIA, ‘yan na agad ang itanim sa utak mo. Wala kang ibang aasahan kundi ang sarili mo lang. Choice mo ang mag-abroad, walang may nag-sabi sa’yo na mag-alsa balutan ka at umalis ng Pilipinas. Kaya, be responsible. Walang ibang tutulong sa’yo kung hindi ang sarili mo lang. Believe it or not minsan kahit embahada natin wala kang mapapala. So, do your homework bago ka umalis, mag-research tungkol sa bansang pupuntahan.

Wag Agad Magtitiwala.

Huwag agad magtitiwala kahit kanino, kahit Pinoy pa ‘yan. Huwag kang ma-excite kung makakita ka ng kapwa Pinoy lalo pa kung Singapore ang destinasyon mo, madami nyan dito.

Be Considerate.

Lalu na sa mga kasama mo sa bahay. Magkaroon ka ng konsiderasyon sa mga kasama mo sa bahay, hindi porke’t Pinoy kayo lahat OK na lang na gawin mong extension ng Pinas ang bahay niyo. Una, Clean As You Go, self explanatory na ‘yan. In short, wag kang dugyot. Ang pinagkainan mo, hugasan at ligpitin agad, ang napkin mo itapon mo agad pagkatapos maligo, wag mong ipangalandakan na me period ka. Yuck. Flush the toilet, empty the rubbish bin, wag magingay pag tulog na ang mga tao, wag magluto pag me sinampay sa loob ng bahay, at marami pang iba. Pag inisa-isa ko ito, mahaba na masyado ang blog entry kong ito. Matuto kang makisama para pakisamahan ka rin. Otherwise, your life will be hell lalo pa pag ako ang housemate mo. 

Act With Integrity In All You Do.

Simple. Huwag kang Bantay Salakay! Pag may nakita kang pagkain sa fridge na hindi sa’yo, wag mong kainin. Pag wala ka ng sabong panlaba at fabric softener, wag mong gamitin lalo pa pag alam mong tulog ang kasama mo sa house.

Be Fair.

Eto ang pinaka-paborito ko sa lahat. Pagdating sa bayarin ng kuryente, tubig at gas, lumalabas ang pagka-mathematician ng ilan sa atin. Me iba din nagkakaroon ng sarili nilang formula. Bongga ‘di ba? Hindi naman kelangan ng isang mahabang computation ang bayarin ng utility bills, lahat gumagamit: nagluluto, nag-a-aircon, TV, computer, naliligo (heater at tubig). So, bakit kailangan pa ng lamangan pagdating ng bayaran ng bills? Divide the utility bills equally, kung sino ang may pinaka maraming appliances (meaning, me sariling ref sa kuwarto, 2 laptop, me LCD TV, Xbox, PSP, water dispenser, etc) patawan ng 10% ng bill para fair. Lahat tayo kumikita dito kaya bakit kailangan mang-lamang?

Kung di mo ma-take ang ugali ng kasama mo o hindi ka marunong makisama, mag-self eviction ka na lang at wag mo ng hintaying i-evict ka ng housemates mo. 

Ang bahay o kwarto mo ang nagsisilbing pahingahan mo, papayag ka ba naman na may madadatnan kang ganyang pag-uwi mo? Syempre hindi.

Kaya naman kung may balak kang mangibang-bansa, mabuti ng maging handa ka at alam mo na kung ano ang aasahan mo, kesa madisappoint ka at ma-stress ka lang ng bongga. 

Remember, nakakapangit ang stress. 





No comments: