Sunday, March 13, 2011

Prediksyon

2 days ago, niyanig ng lindol ang Japan. Nadudurog ang puso ko tuwing napapanuod ko mga pangyayari. Nakakakilabot, nakakatakot. Mas doble ang kaba ko bilang isa na akong ina. Kabi-kabila ang mga kuwentong barbero na nadidinig ko, andyang malapit ng magunaw ang mundo kasi sunod sunod daw ang mga trahedya. 

Kung kelan naman tapos na ang kalamidad saka magsusulputan ang mga hula-hula na kesyo na-predict na daw ni Nostradamus. Teka, eh bakit sariling death niya di nya na-predict? Kung iisipin, alam pala nila na me magaganap na ganung pangyayari bakit di nag-warning? bakit di nakipag-ugnayan sa mga kinauukulan para ma-evacuate ang mga maapektuhan?

Minsan, kelangan natin gamitin ang common sense. I-analyze natin ang mga probabilities ng  mga naganap na kalamidad sa history natin. Halimbawa, me nabasa ako sa isang article: "This is the kind of earthquake that hits once every 100 years." So, aware naman pala sila. 

Hindi naman siguro kailangang maging Geologist o genius para maunawaan ang mga plates di ba? Kasi tinuro naman sa atin 'yun nung elementary tayo. Sapat na sa akin ang ma-educate ko uli ang sarili ko at ang mga anak ko tungkol sa mga bagay na ito para naman di sila lumaki na dumedepende sa mga kwento ng prediksyon. Salamat sa Google.

At dahil si Mother Earth ay "temperamental", wala tayo magagawa at the moment kung hindi ang manalangin at humingi ng proteksyon sa Maykapal. Dahil Siya lang at wala ng iba ang nakakaalam ng lahat.

Let's do our part to be one with our Creator and Mother Earth.

Sources:
http://www.cbsnews.com/stories/2011/03/12/earlyshow/saturday/main20042463.shtml
http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-pacific-12709598

No comments: