Monday, May 16, 2011

I hate you, Bebeng!


Excited si Madam bumaba ng eroplano nung May 7th bilang magsa-summer vacation ang beauty ko. Isang bonggang announcement ang sinabi ni Ms. Flight Attendant bago lumanding: "Mabuhay! Welcome to Manila, it's 36 degrees outside!" Syet! I can feel the heat! Excited na talaga ako!

Pagdating sa balur (bahay) isang MAINIT na pagsalubong ang bumati sa akin. Yes, literal na mainit. The heat is on na talaga! So, kaya naman nagkukumahog kaming gumora sa Puregold Junior ng aking mga barbaric shufatids at makukulit na bagets, para gumetlak ng bonggang baon. Kahit me jetlag pa ang madam (jetlag daw oh?!, echos!) fly pa din sa palengke. 

4 A.M gising na gising na ang mga katawang lupa namin dahil patulak na kami sa Laiya, San Juan, Batangas. Eto na, alas-6 ng umaga parang kakaiba na ang simoy ng hangin. Iba ang lamig. Tila nanunuot sa laman. Hindi sya pang-December na lamig. Syet, parang may bagyo. In denial pa ang Madam bilang ayokong masira ang aming summer vacation. Nagsimulang umambon. Kahit balisa sa napipintong pagbagyo, dedma ang madam, hoping na aaraw at who knows, chika lang ni Mother Nature toh, mamaya aaraw din 'yan, sabi ng positive kong isip. Chos. 

Lalo pang lumakas ang ulan habang papalapit kami sa Virgin Beach Resort. Pagdating namin, tunay naman talagang maganda ang lugar, bagamat open sea syang maituturing at naiimagine ko ang Tsunami sa Japan kapag dumudungaw ako sa karagatan, "Fantastic" pa din ang nasasambit ko sa spectacular view ng resort. 

Palit kami ng pampaligo ng mga gremlins ko, excited si Gaeb du-mive sa dagat. OA ang alon, alam kong di sya kalmado that very moment, kaya naman ang madam todo bantay sa makukulit na bagets, si Sofia, scared lumapit sa dagat, isang katakot takot na convincing pa ang eksena namin bago siya nakipagbonding sa dagat. Taong dagat kasi ako gusto ko magkaroon din ng koneksyon ang mga junakis ko sa dagat, alam na alam ko naman na magugustuhan nila ang dagat. 

Si Gaeb, instant connection sila agad ng dagat, kahit dama ko na parang me PMS ang alon, go pa rin si panganay, F na F nya ang pagtatampisaw, at ambisyoso pa na magpunta sa malalim, sa takot ko palagi akong nakasunod parang salbabida lang ang drama ko. 

Si Sofia, masaya ng nakaupo sa pampang habang naghihintay ng malalaking alon, sabay sisigaw para warningan kami ng kuya niya sa papalapit na alon. 

Nag-enjoy naman sila ng bongga. Walang duda 'yan. Kahit di maaraw at di talaga summer na summer. Ramdam ko ang kasayahan ng mga anak ko sa bagong lugar na napuntahan nila. 

Sa kabila ng masungit na panahon, masasabi ko na masaya ang bonding naming mag-iina. Nakita ko na mga sirena ang bagets ko. Pero sa susunod, makikinig na ako kay Kuya Kim, bago magswimming.

No comments: