Photo Credit: http://www.flickr.com/photos/25401359@N08/4255062824 |
Disclaimer: Hindi po ako expert sa usaping pera at lalong hindi ako milyonarya. Ang ilan sa mga mababasa niyo dito ay pawang kathang-isip (planning stage) pa lamang at work in progress. So wish me luck na sana nga ay ma-achieve ko ng bongga ang aking ishe-share. Halina't magpayaman. Chos.
Lumaki ako sa isang single income family. Nanay ko dating teacher at ang tatay ko naman seaman. Akala ng marami porke't OFW, mayaman. Hindi. Isang malaking Hindi. Marami ang namamatay sa maling akala. Hindi kami mayaman at hindi rin mahirap, sapat na maitawid ang pang-araw araw at mapa-graduate ako sa college ng mga magulang ko. Hindi ako sunod sa luho, kung anong meron kuntento na ako. Malaking pasalamat ko kasi hindi kami sinanay ng mga magulang ko sa mga branded na gamit. Simple lang ang lifestyle namin. Ang shopping namin twice a year lang, bago magbukas ang school year at pag magpapasko. Tama lang ang kinikita ng tatay namin para mabuhay kami ng maayos.
Fast forward. Ten years after college. Ako naman ang OFW ngayon. May dalawang anak na pinapag-aral at pinaghahandaan ang future. Matapos kong isettle ang mga dapat isettle, unti-unti ko namang pinaplano ngayon hindi lang ang future ng mga anak ko, kundi pati na rin ang pagtanda ko. When I turned 30, na-identify ko na kung bakit takot ako tumanda. Alam ko na kung bakit. Kaya naman pala. Hindi pa ako prepared sa retirement ko. Yes. You read it right, RETIREMENT. Nakakapagod mamasukan, aminin man natin o hindi. Iba pa rin kapag hawak mo ang oras mo at ikaw ang nakakaalam ng bawat galaw mo. Kaya naman napag-desisyunan ko, na bago ako mag 45, magreretire na ako at magmamanage na lang ng sarili kong negosyo. Ayoko din naman umasa sa mga anak ko balang-araw. Hindi nila ako obligasyon. Kung bibigyan nila ako, salamat. Kung wala, salamat pa rin.
Now, the big question is, paano ba magsimula? Malaking tulong ang magbasa ng mga libro at articles kung paano magpalago ng kayamanan. Pero sa huli, ikaw pa din ang masusunod. Ikaw pa din ang magde-decide dahil ikaw ang may hawak ng pera. The key here is Self Control.
Kay kumareng Suze Orman ko natutunan ang pag-build up ng six-to-eight month fund, ang tawag dito ay liquid savings or emergency fund. Importanteng meron ka neto para anu't ano man ang hindi inaasahang pangyayari, meron kang nakatabi at madudukot. No need to elaborate kung ano 'yung mga undesirable circumstances, always expect the worst case scenario (it's not being pessimistic but instead being ready). Multiply your monthly expense figure to 8. Yan ang amount na dapat itabi for emergency. But, in my case I made it simple, my target is, to save 8 times of my monthly salary. Kagaya nga ng sinabi ko, in progress ito at wala pa akong ganoong kalaking halaga, pero pinaghahandaan ko unti-unti.
How?
Una, kumuha na ako ng insurance/savings/retirement plan. This is payable in 5 years. 10% of my income goes to my emergency fund. 35% for my monthly remittance and the remaining 55% ay para sa monthly expenses ko (food, rent, transportation and bills). Whatever extra income I have for the month (e.g OT) and/or sobra sa monthly expenses ko, goes to my personal/miscellaneous expenses, kailangan ko rin namang mag-unwind at mag-relax noh?! Syempre pag me gusto akong bilhin para sa mga kapamilya ko naghihigpit ako ng sinturon.
Needs Vs. Wants
Pagdating sa mga anak ko, hindi naman ako nagkukuripot. Bilang bibihira na nga lang kami magkasama, binibigay ko naman ang gusto (wants) nila. BUT...there should be a good and valid reason para ibili ko sila, hindi dahil feel lang nila magpabili o dahil uso lang. Ang maganda sa mga anak ko, when I say "no", they do understand why I denied their request. Honest ako sa estado ng buhay namin. Sinasabi ko na di ko afford. Pero kung afford ko naman at reasonable ibili, Gow!
Future Perfect Tense
At habang bata pa ang mga bagets, dapat meron na rin silang insurance/savings/retirement plan. Dyan na ngayon pumapasok ang bigay ng daddy nila. At dahil di lang naman ako mag-isa ng mabuo ang mga chikiting, dapat me contribution din siya sa kinabukasan ng mga bata.
Entrepreneurship
Syempre di ka lang naman pwede umasa sa monthly income. Dapat meron ka ring konting pagkakakitaan on the side. Kahit maliit basta me income na pumapasok malaking bagay na rin 'yan. Diskarte ang kailangan, diyan na ngayon papasok ang mga food cart business, load, buy and sell at kung ano-ano pa. Kung marunong kang mag-bake, pwedeng pagkakitaan 'yan, blogging, pera pa rin yan, at madami pang iba, gamitin ang skills at talent para kumita ng extra.
Bonus at 13th Month Pay
Huwag ubusin ang extrang pera sa luho at iba pa pag may natanggap kang extrang pera. Pwede mong gamiting capital sa negosyo or kaya naman idagdag sa liquid savings.
Clear everything
Ang pinaka-mahalaga sa lahat, i-settle na ang loan, credit card bills, phone bills etc ng unti-unti or buo na kung may pambayad naman. Dahil hindi magmamaterialize ang mga financial plans mo kung meron kang hinahabol na bayarin with matching interest. I've learned my lesson well at ayaw ko ng bumalik sa pinagdaanan kong financial crisis ng dahil sa mga utang.
Again, I am no expert on this matter. I am just sharing what I have learned from the past and I will continue to learn. Palagi kong sinasabi at uulit-ulitin ko pa: "Nothing is impossible". Kung gusto, madaming paraan, pag ayaw, madaming dahilan.
No comments:
Post a Comment