Tuesday, March 29, 2011

Work Hard, Play Smart

Photo Credit: http://www.doozieup.com/2009/02/work-or-play-are-they-the-same-for-some/

Kagabi ay nag-"Lowest of the Low" moment na naman si Madam. Dala siguro ng stress sa trabaho, sa dami ng mga goals at pag-maintain ng magandang scorecard. Nakakaloka na rin kung minsan kasi akala ko tapos na ako sa pag-aaral. Hindi pa rin pala. Kailangan ko pa rin maging competitive. Kailangan kong maging "bibo kid" para naman masabi ng kompanyang pinapasukan ko na ako ay isang asset. Hindi lang nagsasayang ng kuryente sa opisina. 

Nakakapagod maging productive, nakakapagod maging masipag lalo pa at ramdam mo na me lamangan na nagaganap sa paligid mo. Maglabas ka man ng hinanakit mo, balewala rin, kasi hindi lang ikaw ang dapat i-consider. I am just a tiny dot. Naa-appreciate ko ang marinig ng pamunuan ang mga gusto naming iparating, kaya lang, parang hindi sapat. Parang me kulang. Kulang sa aksyon. Puro kuda lang.

Eto ang mga moment na pinaka-ayaw ko. Masaya pa naman ako. Pero konti na lang malapit na akong bumigay. Sapat na maiiyak ko ang pagod at sama ng loob at babalik na naman ang drive ko. Kailangan.

Salamat at may mga realizations na ganito, otherwise, hindi ako magmamature. Pagkatapos kong itulog at ilabas sama ng loob. Naisip ko, "if all else fails, change the gameplan" 

Hindi ko hahayaang masira ng isang moment ang drive ko. This should work on my advantage. Ako ang gagawa ng paraan para mag-gain ako. Hindi ng weight 'teh. Gain ng keme. Alam mo na 'yun. Basta gain. Gain ng points, ng pera..ganyan. Na-realize ko na tama ang maging masipag at masikap sa trabaho, PERO: dapat maparaan ka din. Make responsible decisions na hindi lang ikaw ang magbe-benefit kundi pati ang mga nasa paligid mo rin. Do not spread negative vibes at work, madaming madadamay papangit  pa ang image mo. 

So, wear that smile now, Madam. Work Hard and Play Smart! 


Sunday, March 27, 2011

WARNING ni Madam!


Naka-receive si Madam ng isang e-mail ngayong afternoon. Aba UPS! Sino naman ang magpapadala ng package sa akin? Mabuti na lang at di ko agad binuksan ang attachment. Nag-Google muna ako. At eto ang nabasa ko:

http://nakedsecurity.sophos.com/2011/02/04/outbreak-united-parcel-service-notification-malware-attack-spammed-out/

So, ingat ingat kayo mga friends! Wag basta basta bukas ng bukas ng link!

Thursday, March 24, 2011

Gaya-gaya, Puto Maya



 


They say immitation is the greatest form of flattery.

Pero kung halos lahat eh ginagaya na sa'yo? Mula sa pagkain, sa shower gel, toothpaste, tsinelas, pati lahat ng gawin mo sa bahay ginagaya? Nakakainis na rin hindi ba? Daig pa ang anino ko. Buti pa nga ang anino ko minsan nilulubayan ako.

Hindi masama ang manggaya, ako rin madalas gumagaya lalu na kung uso, pero dapat lagyan mo ng limitasyon dahil hindi ako ikaw, at hindi ikaw ako. Gets mo? Mainam na mag-establish ka ng sarili mong identity, iyong makikilala ka dahil sa uniqueness mo. Nakakaawa ang mga taong walang ibang ginawa kung hindi ang manggaya lang. Mag-explore ka, mag-experiment, subukan mo maging kakaiba. Masarap maging kakaiba. Try mo lang, once lang. 

Sang-ayon sa aking napag-aralan, pag ang isang tao ay mahilig manggaya, malamang insecure eto or me inferiority complex. Bakit? Kasi hindi sya confident sa sarili niya, wala siyang tiwala sa mga ginagawa niya kung tama o mali. Kailangan pa ng "approval" ng iba bago gumawa ng isang hakbang. In short, walang sariling isip, walang backbone, walang confidence. 

Siguro nga dapat ma-flatter ako dahil iniidolo mo ang lahat ng gawin ko, dapat maging mabuting halimbawa pa nga ako para matuto ka sa mga ginagawa ko. Sige, i-coconsider ko 'yan. Pipilitin kong habaan pa ang pisi ko, dahil ako ang mas nakakaintindi ng kalagayan mo. Ako ang marunong mag-profile ng personality mo. 

Katawa-tawa ka lang sa paningin ko kung umasta ka ng alam kong nagpapanggap kang kakaiba kahit hindi. 

So, I will move on and do whatever what I want to do, walang basagan ng trip, gayahin mo na ako, for all I care. 

Wednesday, March 23, 2011

Emo Si Madam

Emo Heart Couple wallpaper from EMO wallpapers
Photo Credits: http://dark.pozadia.org/wallpaper/Lonely-Emo-Vector/

Paunawa: Ang blog entry na ito ay para sa mga boylets ni Madam from the past. Wala pong romantic keme na namagitan sa kanila. Nothing serious. For entertainment purposes only. Char. 

Nabanggit ko sa isa kong entry last month, "I remember the boy(s), but I don't remember the feelings anymore." Oo, para sa inyo ito. Naalala ko lang walang personalan. Kinikilig lang ako. Pampabata factor lang. 

Para kay Boy # 1:

Lampas isang dekada na ang nakakaraan pero di pa rin kita makalimutan. Madalas ka pa rin sumagi sa isip ko. Malakas ang dating mo, cuteness ka pa rin naman kahit wala ka na sa kalendaryo. Single ka, ako naman, it's complicated. Bagay tayo. Sabihin mo nga sa akin, ng mata sa mata, kung hindi mo feel i-revive ang past, eh bakit chumichika ka pa rin sa akin after all these years? Hindi ako naniniwalang bored ka lang. That's BS.

I appreciate your effort. At least di nasayang ang sleepless at Crayola nights ko 15 years ago. May chemistry naman tayo, kaya lang ayaw mo naman ng commitment. Keri lang, friends pa rin naman tayo hanggang ngayon, at regular kalandian kita. *hihihi*

Para kay Boy # 2:

Ikaw na ang wagas kong pag-ibig for 2 years. Iniyakan din kita, in fairness. Until now, hindi ko pa rin ma-figure out bakit kita iniyakan. Basta ang alam ko pinag-pray ko talaga na maging tayo, with the intercession  of Saint Jude Thaddeus.  Kaso, olats pa rin. 

Salamat nga pala, nang dahil sa'yo motivated ako pumasok sa school araw-araw. Kung sinlakas lang ng loob ko ngayon ang eksena ko noon, eh di sana "Let's make a memory" ang drama natin.

Para kay Boy # 3:

Di ko 'to kinaya, Kuya! Akalain mo?? Kung mare-reformat lang ang memory ko, ikaw sana ang unang ma-delete. Forever. Hindi ako bitter, di lang talaga ako makapaniwala naging part ka ng past ko. Pasalamat ka wala ka pang Facebook, magtagpo man tayo ulit, sasakit tyan ko kakatawa. 

Para kay Boy # 4:

K. (Wala ako masabi!)

At sa iba pang boylets, di ko na maalala ang feelings eh. Sensya na ha? Wala na ako maalala.

Try ko mag-rewind. 


Monday, March 21, 2011

OFW Survival Guide (Housemate Edition)


Madami sa atin ang umaalis ng Pilipinas sa pag-asang kikita tayo ng malaki at mabigyan ng maayos na buhay at magandang kinabukasan ang ating pamilya.
Kaya naman kahit mahirap, umalis ako para matupad ko ang mga plano ko para sa aking mga anak.

Sa loob ng 4 na taon na pagtatrabaho ko sa Singapore, madami na rin akong na-experience na talaga namang di makakalimutan at gusto kong i-share sa inyo ito lalu na sa mga aspiring OFWs para alam na ninyo ang mga aasahan pagsabak niyo sa ibang bansa.

Pagdating niyo sa ibang bansa ang una ninyong hahanapin syempre ay iyong matutuluyan ninyo. Pag wala kang kamag-anak, uupa ka ng isang kuwarto o makikishare ka sa isang bagong kakilala para tipid. Hangga’t maari ay ‘yung kumportable ka at mababait ang mga kasama mo sa bahay, bilang kayo-kayo na nga lang ang Pinoy, sino pa ba ang magtutulungan? WRONG.

Be Independent.

Pagtungtong mo pa lang sa NAIA, ‘yan na agad ang itanim sa utak mo. Wala kang ibang aasahan kundi ang sarili mo lang. Choice mo ang mag-abroad, walang may nag-sabi sa’yo na mag-alsa balutan ka at umalis ng Pilipinas. Kaya, be responsible. Walang ibang tutulong sa’yo kung hindi ang sarili mo lang. Believe it or not minsan kahit embahada natin wala kang mapapala. So, do your homework bago ka umalis, mag-research tungkol sa bansang pupuntahan.

Wag Agad Magtitiwala.

Huwag agad magtitiwala kahit kanino, kahit Pinoy pa ‘yan. Huwag kang ma-excite kung makakita ka ng kapwa Pinoy lalo pa kung Singapore ang destinasyon mo, madami nyan dito.

Be Considerate.

Lalu na sa mga kasama mo sa bahay. Magkaroon ka ng konsiderasyon sa mga kasama mo sa bahay, hindi porke’t Pinoy kayo lahat OK na lang na gawin mong extension ng Pinas ang bahay niyo. Una, Clean As You Go, self explanatory na ‘yan. In short, wag kang dugyot. Ang pinagkainan mo, hugasan at ligpitin agad, ang napkin mo itapon mo agad pagkatapos maligo, wag mong ipangalandakan na me period ka. Yuck. Flush the toilet, empty the rubbish bin, wag magingay pag tulog na ang mga tao, wag magluto pag me sinampay sa loob ng bahay, at marami pang iba. Pag inisa-isa ko ito, mahaba na masyado ang blog entry kong ito. Matuto kang makisama para pakisamahan ka rin. Otherwise, your life will be hell lalo pa pag ako ang housemate mo. 

Act With Integrity In All You Do.

Simple. Huwag kang Bantay Salakay! Pag may nakita kang pagkain sa fridge na hindi sa’yo, wag mong kainin. Pag wala ka ng sabong panlaba at fabric softener, wag mong gamitin lalo pa pag alam mong tulog ang kasama mo sa house.

Be Fair.

Eto ang pinaka-paborito ko sa lahat. Pagdating sa bayarin ng kuryente, tubig at gas, lumalabas ang pagka-mathematician ng ilan sa atin. Me iba din nagkakaroon ng sarili nilang formula. Bongga ‘di ba? Hindi naman kelangan ng isang mahabang computation ang bayarin ng utility bills, lahat gumagamit: nagluluto, nag-a-aircon, TV, computer, naliligo (heater at tubig). So, bakit kailangan pa ng lamangan pagdating ng bayaran ng bills? Divide the utility bills equally, kung sino ang may pinaka maraming appliances (meaning, me sariling ref sa kuwarto, 2 laptop, me LCD TV, Xbox, PSP, water dispenser, etc) patawan ng 10% ng bill para fair. Lahat tayo kumikita dito kaya bakit kailangan mang-lamang?

Kung di mo ma-take ang ugali ng kasama mo o hindi ka marunong makisama, mag-self eviction ka na lang at wag mo ng hintaying i-evict ka ng housemates mo. 

Ang bahay o kwarto mo ang nagsisilbing pahingahan mo, papayag ka ba naman na may madadatnan kang ganyang pag-uwi mo? Syempre hindi.

Kaya naman kung may balak kang mangibang-bansa, mabuti ng maging handa ka at alam mo na kung ano ang aasahan mo, kesa madisappoint ka at ma-stress ka lang ng bongga. 

Remember, nakakapangit ang stress. 





Sunday, March 20, 2011

Raket

Photo Credit: http://www.internetjobsworkingfromhome.net/extra-income-from-home/

Hindi ko namalayan, Linggo na pala. Busy kasi si Madam humanap ng freelance keme online. Siyempre, kailangan kumita ng extra bilang bakante naman ako pag weekend.

Moving on, buwan na naman ng Marso. Bakasyon na sa school at menos na sa gastos ng baon at pamasahe. Actually, wala naman talagang pahinga ang wallet ng mga mommies na gaya ko, kasi pagpasok ng Abril, Hello! enrolment na naman tayo. Siyempre pag Mayo, bilihan ng books at school supplies, isama pa natin ang uniform at iba pang expenses sa pagbukas school year.

Nakakaloka din ang mag-budget lalo pa at pabago-bago ang galaw ng presyo ng bilihin at pamasahe, sweldo na lang ang hindi gumagalaw. Na-comatose na ang sahod. Hmp. Nahilo na ako kakakwenta, hindi ako happy sa numbers ko.

Naisipan ko kailangang rumaket.

Marami-rami na rin akong kuwentong narinig at me ilan na ring kakilala ang yumaman ng hindi umaalis ng bahay. In fact, may kasama ako dati sa Convergys na talaga namang ang laki ng sahod, parang OFW ang sahod. Take note: sa bahay lang siya. Di siya umaalis ng bahay. Naikuwento niya sa akin ito mga 3 or 4 years ago, at may mga pruweba talaga na kumita sya ng above 50k a month. Buti na lang at naalala ko pa ang mga tweets niya, kaya naghalungkat ako ng bongga at voila! Nakita ko rin ang link kung paano siya kumikita ng malaki.

Isa siyang freelance writer/editor/copywriter para sa iba’t ibang kumpanya na naka-base sa US. At dahil magaling naman umingles si ate, dumami ang kanyang mga clients. May mga nagpapagawa ng articles sa kanya, may mga nagpapa-proofread at kung anu-ano pa. Per hour ang bayaran dito, in US $$$!

Kaya si Madam Mema, gawa agad ng account sa freelance website na eto. Sayang naman ang maganda kong laftaf at mabilis na internet connection, kailangan kong mabawi ang ginastos ko sa kanila sa lalong madaling panahon!

Hindi basta basta ang paggawa ng account dito, hindi parang Facebook or Friendster na gagawa ka ng profile pic na naka-anggulo, kailangan panalo ang cover letter, résumé, at dapat pasado ang mga proficiency tests na kukuhanin mo. Hindi lang naman para sa mga writers at customer service ang mga trabahong available, meron sa trading, administrative, IT, sales at events planning. Attractive ang mga per hour rates nila from $2-$20 an hour, depende sa length at klase ng project.

Salamat naman at may isa na akong project, naghihintay na lang ako ng materials at under negotiation ang working hours bilang rumaraket lang naman ang Madam Mema. Sana maayos ang lahat at walang aberya para makapag-simula na ako sa lalong madaling panahon. Sa pagkakaalam ko pwede ka ring tumanggap ng higit pa sa isang project basta ba kaya ng powers mo at hindi ka masisira sa mga employers, otherwise, bad reputation ka na sa mga freelance websites.

Kung sinuman sa inyo ang interested na rumaket, aba, mag-comment na kayo sa baba.

Sasabihin ko sa inyo kung saan at kung paano. :)

Ciao!



Thursday, March 17, 2011

Pera Pera Lang

Photo Credit: http://www.flickr.com/photos/25401359@N08/4255062824

Disclaimer: Hindi po ako expert sa usaping pera at lalong hindi ako milyonarya. Ang ilan sa mga mababasa niyo dito ay pawang kathang-isip (planning stage) pa lamang at work in progress. So wish me luck na sana nga ay ma-achieve ko ng bongga ang aking ishe-share. Halina't magpayaman. Chos. 

Lumaki ako sa isang single income family. Nanay ko dating teacher at ang tatay ko naman seaman. Akala ng marami porke't OFW, mayaman. Hindi. Isang malaking Hindi. Marami ang namamatay sa maling akala. Hindi kami mayaman at hindi rin mahirap, sapat na maitawid ang pang-araw araw at mapa-graduate ako sa college ng mga magulang ko. Hindi ako sunod sa luho, kung anong meron kuntento na ako. Malaking pasalamat ko kasi hindi kami sinanay ng mga magulang ko sa mga branded na gamit. Simple lang ang lifestyle namin. Ang shopping namin twice a year lang, bago magbukas ang school year at pag magpapasko. Tama lang ang kinikita ng tatay namin para mabuhay kami ng maayos. 

Fast forward. Ten years after college. Ako naman ang OFW ngayon. May dalawang anak na pinapag-aral at pinaghahandaan ang future. Matapos kong isettle ang mga dapat isettle, unti-unti ko namang pinaplano ngayon hindi lang ang future ng mga anak ko, kundi pati na rin ang pagtanda ko. When I turned 30, na-identify ko na kung bakit takot ako tumanda. Alam ko na kung bakit. Kaya naman pala. Hindi pa ako prepared sa retirement ko. Yes. You read it right, RETIREMENT. Nakakapagod mamasukan, aminin man natin o hindi. Iba pa rin kapag hawak mo ang oras mo at ikaw ang nakakaalam ng bawat galaw mo. Kaya naman napag-desisyunan ko, na bago ako mag 45, magreretire na ako at magmamanage na lang ng sarili kong negosyo. Ayoko din naman umasa sa mga anak ko balang-araw. Hindi nila ako obligasyon. Kung bibigyan nila ako, salamat. Kung wala, salamat pa rin. 

Now, the big question is, paano ba magsimula? Malaking tulong ang magbasa ng mga libro at articles kung paano magpalago ng kayamanan. Pero sa huli, ikaw pa din ang masusunod. Ikaw pa din ang magde-decide dahil ikaw ang may hawak ng pera. The key here is Self Control

Kay kumareng Suze Orman ko natutunan ang pag-build up ng six-to-eight month fund, ang tawag dito ay liquid savings or emergency fund. Importanteng meron ka neto para anu't ano man ang hindi inaasahang pangyayari, meron kang nakatabi at madudukot. No need to elaborate kung ano 'yung mga undesirable circumstances, always expect the worst case scenario (it's not being pessimistic but instead being ready). Multiply your monthly expense figure to 8. Yan ang amount na dapat itabi for emergency. But, in my case I made it simple, my target is, to save 8 times of my monthly salary. Kagaya nga ng sinabi ko, in progress ito at wala pa akong ganoong kalaking halaga, pero pinaghahandaan ko unti-unti. 

How?

Una, kumuha na ako ng insurance/savings/retirement plan. This is payable in 5 years. 10% of my income goes to my emergency fund. 35% for my monthly remittance and the remaining 55% ay para sa monthly expenses ko (food, rent, transportation and bills). Whatever extra income I have for the month (e.g OT) and/or sobra sa monthly expenses ko, goes to my personal/miscellaneous expenses, kailangan ko rin namang mag-unwind at mag-relax noh?! Syempre pag me gusto akong bilhin para sa mga kapamilya ko naghihigpit ako ng sinturon. 

Needs Vs. Wants

Pagdating sa mga anak ko, hindi naman ako nagkukuripot. Bilang bibihira na nga lang kami magkasama, binibigay ko naman ang gusto (wants) nila. BUT...there should be a good and valid reason para ibili ko sila, hindi dahil feel lang nila magpabili o dahil uso lang. Ang maganda sa mga anak ko, when I say "no", they do understand why I denied their request. Honest ako sa estado ng buhay namin. Sinasabi ko na di ko afford. Pero kung afford ko naman at reasonable ibili, Gow!

Future Perfect Tense

At habang bata pa ang mga bagets, dapat meron na rin silang insurance/savings/retirement plan. Dyan na ngayon pumapasok ang bigay ng daddy nila. At dahil di lang naman ako mag-isa ng mabuo ang mga chikiting, dapat me contribution din siya sa kinabukasan ng mga bata. 

Entrepreneurship

Syempre di ka lang naman pwede umasa sa monthly income. Dapat meron ka ring konting pagkakakitaan on the side. Kahit maliit basta me income na pumapasok malaking bagay na rin 'yan. Diskarte ang kailangan, diyan na ngayon papasok ang mga food cart business, load, buy and sell at kung ano-ano pa. Kung marunong kang mag-bake, pwedeng pagkakitaan 'yan, blogging, pera pa rin yan, at madami pang iba, gamitin ang skills at talent para kumita ng extra. 

Bonus at 13th Month Pay

Huwag ubusin ang extrang pera sa luho at iba pa pag may natanggap kang extrang pera. Pwede mong gamiting capital sa negosyo or kaya naman idagdag sa liquid savings. 

Clear everything

Ang pinaka-mahalaga sa lahat, i-settle na ang loan, credit card bills, phone bills etc ng unti-unti or buo na kung may pambayad naman. Dahil hindi magmamaterialize ang mga financial plans mo kung meron kang hinahabol na bayarin with matching interest. I've learned my lesson well at ayaw ko ng bumalik sa pinagdaanan kong financial crisis ng dahil sa mga utang.

Again, I am no expert on this matter. I am just sharing what I have learned from the past and I will continue to learn. Palagi kong sinasabi at uulit-ulitin ko pa: "Nothing is impossible". Kung gusto, madaming paraan, pag ayaw, madaming dahilan. 










Wednesday, March 16, 2011

What I am Thankful For.

thank you note
Photo Credit: http://www.psdgraphics.com/backgrounds/thank-you-note/
"I find a thousand reasons to smile and a million reasons to thank God everyday"

Pagpasok mo sa office, punuan ang MRT, si ate makyawti ang Kelly Clarkson (may B.O in short..hehe), siksikan, bangayan, tulakan, kahit sa side ng mga babae, barbaric ang eksena. Gusto mong sumigaw at haribasin ng sapak ang mga pasaway na mga pasahero. Pero di pwede. Gusto mo ma-You Tube?

O siya mag-taxi na lang para iwas stampede, bilang walang "official taxi stand" sa EDSA, pwedeng kahit san na lang pumara. Si kuya ang laki ng katawan nakipag-agawan pa sa'yo. Imbey da vah?!

Pagdating mo sa office nasalubong mo si Gerlat na malakas mang-lamang sa trabaho, ngiting aso si ate. Sarap patirin. Hmp. 

Araw-araw iba't ibang tao ang nakakausap ko sa telepono. May galit sa mundo, may tuliro, may parang tanga lang, may tanga-tangahan, may annoying, may buraot, may hysterical, may OA, meron ding may "delusion of grandeur". Madaming klase ng customers. Sapat na ang isa para sirain ng bongga ang buong araw mo. 

Pag sira na ang araw mo, sunod-sunod ka ng aalatin sa mga customers na nakakausap mo. Bigla mong maiisip na mag-resign na lang humanap ng ibang work, etc, etc. Nagagalit ka sa mundo, sisimangot ka, maaalala mo ang ex mo, ang kapitbahay mong me utang sa'yo, ang amo mong buraot, lahat na ng pwede mong awayin, aawayin mo. Kung pwede lang mag-amok di ba? 

Looks familiar? Guilty ako na lahat 'yan pinagdaanan ko. Nakaka-stress bago pa lang ako umupo sa desk ko parang ubos na ubos na ang oxygen ko. But then I realized, I am too blessed to be stressed. Bakit ko pababayaan na ang mga simpleng bagay na 'to ang sisira sa maganda kong aura. Chos.

Wag na natin isa-isahin ang blessings, 'teh ha? Madaming madami kang blessings. The fact na nadagdagan pa tayo ng isang araw na mabuhay sa mundo at kasama natin ang mga mahal natin ay isang malaking biyaya na ni Lord. So the next time na may mga "stressors". Smile and Thank God we are still alive, we have work and we have our family and friends to be with at the end of the day. 










My Bucket List

Photo credits from: http://newcreationfive17.com/wp/home/?p=734

Sabi nila ang average life expectancy ng isang tao ay 65. I'm 31 so nasa kalahati na pala ako. Sa dami ng nangyayari sa paligid natin, life is indeed very short. Madami akong gustong gawin, marating, matutunan at ma-experience. Kaya gusto ko i-share ang "Bucket List" ko, wishing na ma-achieve ko ito bago ako ma-tegibam. Here's my first 25.

1. Celebrate my big 4-oh na healthy, happy, sexy at young looking
2. Reach and maintain my ideal weight, READ: 55kg.
3. Bring my children with me anywhere and spend more time with them as much as I can.
4. Run my own business before I reach the age of 40.
5. Travel the entire South East Asia.
6. Bungee Jump
7. Sky Dive
8. Earn MA in Psychotherapy (and a license to practice in UK or AU)
9. Learn to speak at least one European language (fluently)
10. Learn to drive and get a pro licence
11. Become a vegetarian
12. Practice yoga regularly
13. Meditate everyday
14. Conduct a seminar/workshop about positive thinking
15. Visit the Holy Land
16. Teach in a university
17. Write a book
18. Learn to dance gracefully
19. Sing in a gathering
20. Marry the right man
21. Meet the Eden Tolentino (no bitterness, I just want to see and meet her)
22. Become a certified psychotherapist
23. Renovate our house (for my parents and siblings)
24. Buy a real estate property (farm / island / fishpond)
25. Retire before I reach the age of 45

Madami pa akong nasa list, 'yung iba fancy lang but fulfilling para sa akin. Kasama na rin syempre sa list ko ang makita kong matapos sa pag-aaral at naaabot ng mga anak ko ang mga gusto nilang marating.

This list serves as my motivation and a reminder that life is worth living. Kahit madaming hindi maganda ang nangyayari sa paligid natin, there is always something to look forward to.

God created us because we have a purpose in life. Do not be disheartened kung hindi lahat ng nasa lists mo ay hindi nasusunod, there is always a reason for everything. Whatever it is, it is for our own good. Just trust and believe that He will always guide us and nothing is impossible if we really work hard for it.

Others may pull you down, but don't allow them to do so. Instead, pull them up with you, so they can see they can experience and appreciate the view from the top.





Tuesday, March 15, 2011

Si Guying at Si Soping



Katatapos lang sampung araw na bakasyon ko sa Pilipinas at naho-homesick na naman ako. Sana mas mahaba-haba pa nga para makasama ko ang mga bulilit. Anyhow, it was a fun-filled week. Ang dami ko nadiscover sa mga anak ko.

I couldn't believe myself na nanggaling sila sa akin, few years back sobrang helpless pa sila, iyak ng iyak pag di agad nakadede, ang babaw pa ng kaligayahan, konting make face lang humahalakhak na. Ngayon nakikita ko na ang mga personalities nila, may masungit, sumpungin, malambing at kalog. 

Meet Guying. 

He just turned 9. Gaeb is the adventurous type, witty, active, and has a good sense of humour. He's my exact replica pagdating sa mga banat. Magaling sa pick-up lines at mukhang bolero ito paglaki (Wag naman po sana!). Favorite channel nya ang NatGeo at Discovery Channel, kaya nga animal at nature lover sya, gusto niya daw maging Archeologist at interesado din siya sa iba't ibang languages. In fact, he uses Babelfish to translate some words in various languages. Mahilig din sya magbasa, magkutingting at mag-eksperimento. May pagka-nosy sya at panalo sa komento, opinionated sya, actually. Aged 4 pa lang siya madami na siyang alam sa computer, marunong ng mag online games at social network, he's a "master Googler" and a PSP fanatic (minus the walkthrough). Well, I don't mind raising a geek. Bill Gates and Steve Jobs are well known geeks, right?



My Little Princess.

Sofia is a combination of my sweet and rugged persona. Artist ang aking bunso, mahusay ang kamay, magaling mag-drawing at mag-paint. Modesty aside, toddler pa lang siya alam ko na me talent sa pagguhit ang anak kong ito. Wala pa siyang one year old, marunong ng mag-shade using a ballpoint pen. She's creative and very imaginative. May pagka-unpredictable nga lang. Babae talaga. Moody at masungit. She's only 7 and has not yet decided kung ano ang gusto niya paglaki niya. Pero isa lang ang napansin ko sa anak kong ito. She's a very simple person. Walang arte, sumpungin nga lang. 

I am a proud momma, sobra. My kids are my life, my treasure and my pride.

Sunday, March 13, 2011

Prediksyon

2 days ago, niyanig ng lindol ang Japan. Nadudurog ang puso ko tuwing napapanuod ko mga pangyayari. Nakakakilabot, nakakatakot. Mas doble ang kaba ko bilang isa na akong ina. Kabi-kabila ang mga kuwentong barbero na nadidinig ko, andyang malapit ng magunaw ang mundo kasi sunod sunod daw ang mga trahedya. 

Kung kelan naman tapos na ang kalamidad saka magsusulputan ang mga hula-hula na kesyo na-predict na daw ni Nostradamus. Teka, eh bakit sariling death niya di nya na-predict? Kung iisipin, alam pala nila na me magaganap na ganung pangyayari bakit di nag-warning? bakit di nakipag-ugnayan sa mga kinauukulan para ma-evacuate ang mga maapektuhan?

Minsan, kelangan natin gamitin ang common sense. I-analyze natin ang mga probabilities ng  mga naganap na kalamidad sa history natin. Halimbawa, me nabasa ako sa isang article: "This is the kind of earthquake that hits once every 100 years." So, aware naman pala sila. 

Hindi naman siguro kailangang maging Geologist o genius para maunawaan ang mga plates di ba? Kasi tinuro naman sa atin 'yun nung elementary tayo. Sapat na sa akin ang ma-educate ko uli ang sarili ko at ang mga anak ko tungkol sa mga bagay na ito para naman di sila lumaki na dumedepende sa mga kwento ng prediksyon. Salamat sa Google.

At dahil si Mother Earth ay "temperamental", wala tayo magagawa at the moment kung hindi ang manalangin at humingi ng proteksyon sa Maykapal. Dahil Siya lang at wala ng iba ang nakakaalam ng lahat.

Let's do our part to be one with our Creator and Mother Earth.

Sources:
http://www.cbsnews.com/stories/2011/03/12/earlyshow/saturday/main20042463.shtml
http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-pacific-12709598

Monday, March 7, 2011

What's Brewing?

Coffee Cozy Sleeve Set -- I Love Coffee, Rain or Shine

Lunes na naman. Minsan di ko maiwasang mapa-buntong hininga. Nakakatamad magtrabaho. Isa na naman ito sa mga araw na feel ko lang hindi pumasok. Habang tinitipa ko ang mga titik na 'to, bigla akong napaisip, "Bakit nga ba ako tinatamad pumasok?". Wala naman ako gagawin sa bahay, di naman ako yayaman pag humilata ako, di naman ako pensyonada, at wala naman akong asawang milyonaryo. Pag lumabas naman ako, ano gagawin ko? Mag-shopping? Syet. Eh malapit na nga mid-month paubos na ang datung. Hmp. Fine. Papasok ako. Happy mood, ON!

Netong biyernes lang tinanong ako ng kataas-taasan at kagalang-galangan na Accounts Manager namin. Bakit daw demoralized ang mga tao sa office? Sabi ko, wala naman akong nararamdamang ganun sa office, basta ako hindi ganun, nabuburaot lang ako sa di fair na hatian sa work. Yun lang. (In fairness, sabi nya aayusin daw nila 'yan. Sana ASAP)

Sabi ko, "Depende sa tao 'yun, boss." Sabay tingin ng deretso sa mata niya. "Wala naman sa opisina ang diperensya. Nasa bawat isa 'yan. May iba mas pinili nila maging masaya sa trabaho at ang iba naman puro reklamo lang. Siguro, di sila masaya. Kung di masaya, eh di umalis, humanap ng iba." Me punto nga naman daw ako sabi ng amo ko. Agree sya. Tama. Pak. Check. 

Totoo naman kasi, tayo ang responsable sa lahat. Pag pinili mong maging malungkot at ma-badtrip, aba eh magdusa ka! Forever kang miserable. Pero kahit mahirap ang work basta happy ka naman, ok na ok 'yan. You are attracting positive vibes! Simple lang naman, kung hindi ka na masaya sa trabaho mo, sa mga kasama mo, sa amo mo, sa sweldo mo, sa lahat, aba, aba! mag-balot balot ka na at maghanap ka na ng lilipatan bago pa kumalat ang negativity sa opisina. Mabilis kumalat 'yan. Aminin mo, weakness ng tao na kapag naramdaman na me karamay sa mga reklamo, lumalakas ang loob. Try mo isipin ang mga benefits ng pagiging masaya sa trabaho, una, productive ka, pangalawa, maganda ang impression ng boss mo sa'yo, at higit sa lahat maaari ka ding ma-recognize dahil sa attitude mo sa work. 

Tandaan: Humanap ka ng trabaho na magiging masaya ka, mag-eenjoy, 'yung excited ka pumasok kasi alam mong may bago ka na namang matututunan. Kung sa tingin mo wala ka naman matututunan, humanap ka ng bagong ng kaalaman sa opisina niyo. 

Sabi nga ni Confucius: "Choose a job you love, and you will never have to work a day in your life."

So, hala! Galaw-galaw na! 

Photo credits: http://www.etsy.com/listing/34514204/coffee-cozy-sleeve-set-i-love-coffee