Sunday, December 4, 2011

OFW Christmas Blues




After 9 months, nagbalik na naman ako. Abala lang talaga ang madam bilang ang daming pagbabagong naganap sa opisina at may ilan ding sakit ng ulo ang dumating sa aking buhay, ngunit, subali't datapwat, nalampasan ko naman ng bongga. So eto na nga, December na naman. Halos 5 na pasko na rin akong hindi nakakauwi sa Pilipinas, ang dami ko ng na-miss na reunions at kung anu-ano pang ka-chorvahan sa bahay namin. 

Imbyernang tunay lang talaga ako sa kumakalat na video ng isang MNC na matamis na inumin. Tungkol kasi ito sa mga OFW na matagal na umanong hindi nakakauwi sa Pinas. K Fine. Nasan ba sila? Sa Europe? Meron bang na-isponsoran na nasa Middle East o South East Asia, parang wala naman akong nakita. EUROS (As of today, exchange rate is: 1 = ₱ 57.99) ang kinikita ng mga pinauwi nila. Higit na mayaman pa sila sa ibang OFWs na MAS gustong makauwi, pero di magawa dahil sa malupit na mga amo at 'yung iba wala talagang pamasahe dahil walang natitirang sahod sa kanila, mga niloko ng recruiters, mga nagbabayad ng walang katapusang placement fee. Kung gugustuhin ng mga mapalad na OFWs na itong makauwi, kayang kaya nila. Sa tagal ng pagtatrabaho nila sa Europa, imposibleng wala silang ipon. Matitiis mo bang hindi makita ang mga anak mo ng mahigit sa 10 taon? Nakakadena ba sila sa bahay ng mga amo nila? Mas malupit ba ang mga amo nila o mas mababa pa ang sahod nila sa mga DH ng Singapore, Hong Kong o Saudi Arabia? Obviously, ginagamit lang ng kumpanyang ito ang mga OFWs. 

Sabi nga ng nabasa ko:

"Big corporations don’t do anything or spend money unless there is a “business case” for said expenditure or activity that one way or another translates to increased profits, more revenue, or uplift in share price. These guys aren’t in business to be nice guys. They’re in business for business."

Kaya kahit OFW ako, hindi ako na-move na kadramahan na 'yan. MAS maiiyak ako ng bongga, kung mapapauwi nila ang mga Pinoy na stranded sa Riyadh, mga DH na nasa embahada ng Pilipinas o 'yung mga kinupkop ng mga NGOs habang wala pang pamasahe o naghihintay matapos ang hearing ng kaso ng pangaabuso sa kanila. Maraming nangangailangan ng tulong, madaming gustong makauwi ngayong Pasko. Pero mas ng kumpanyang iyon ang mga kagaya nila na kayang kaya namang umuwi kung gugustuhin nila. Me kasabihan nga tayo, "If there's a will, there's a way."



Para sa kin, mas may karapat-dapat pang makatanggap ng ganitong klaseng tulong. Nakakarelate ako sa reunion part ng ad campaign, pero hindi buo ang paniniwala ko na genuine ang pag reach out nila sa mga OFWs. 


Isa sa maraming kahilingan ko ngayong pasko, nawa'y maging maligayang tunay ang kapaskuhan ng mas nangangailangan. 


Maligayang Pasko!


Monday, May 16, 2011

I hate you, Bebeng!


Excited si Madam bumaba ng eroplano nung May 7th bilang magsa-summer vacation ang beauty ko. Isang bonggang announcement ang sinabi ni Ms. Flight Attendant bago lumanding: "Mabuhay! Welcome to Manila, it's 36 degrees outside!" Syet! I can feel the heat! Excited na talaga ako!

Pagdating sa balur (bahay) isang MAINIT na pagsalubong ang bumati sa akin. Yes, literal na mainit. The heat is on na talaga! So, kaya naman nagkukumahog kaming gumora sa Puregold Junior ng aking mga barbaric shufatids at makukulit na bagets, para gumetlak ng bonggang baon. Kahit me jetlag pa ang madam (jetlag daw oh?!, echos!) fly pa din sa palengke. 

4 A.M gising na gising na ang mga katawang lupa namin dahil patulak na kami sa Laiya, San Juan, Batangas. Eto na, alas-6 ng umaga parang kakaiba na ang simoy ng hangin. Iba ang lamig. Tila nanunuot sa laman. Hindi sya pang-December na lamig. Syet, parang may bagyo. In denial pa ang Madam bilang ayokong masira ang aming summer vacation. Nagsimulang umambon. Kahit balisa sa napipintong pagbagyo, dedma ang madam, hoping na aaraw at who knows, chika lang ni Mother Nature toh, mamaya aaraw din 'yan, sabi ng positive kong isip. Chos. 

Lalo pang lumakas ang ulan habang papalapit kami sa Virgin Beach Resort. Pagdating namin, tunay naman talagang maganda ang lugar, bagamat open sea syang maituturing at naiimagine ko ang Tsunami sa Japan kapag dumudungaw ako sa karagatan, "Fantastic" pa din ang nasasambit ko sa spectacular view ng resort. 

Palit kami ng pampaligo ng mga gremlins ko, excited si Gaeb du-mive sa dagat. OA ang alon, alam kong di sya kalmado that very moment, kaya naman ang madam todo bantay sa makukulit na bagets, si Sofia, scared lumapit sa dagat, isang katakot takot na convincing pa ang eksena namin bago siya nakipagbonding sa dagat. Taong dagat kasi ako gusto ko magkaroon din ng koneksyon ang mga junakis ko sa dagat, alam na alam ko naman na magugustuhan nila ang dagat. 

Si Gaeb, instant connection sila agad ng dagat, kahit dama ko na parang me PMS ang alon, go pa rin si panganay, F na F nya ang pagtatampisaw, at ambisyoso pa na magpunta sa malalim, sa takot ko palagi akong nakasunod parang salbabida lang ang drama ko. 

Si Sofia, masaya ng nakaupo sa pampang habang naghihintay ng malalaking alon, sabay sisigaw para warningan kami ng kuya niya sa papalapit na alon. 

Nag-enjoy naman sila ng bongga. Walang duda 'yan. Kahit di maaraw at di talaga summer na summer. Ramdam ko ang kasayahan ng mga anak ko sa bagong lugar na napuntahan nila. 

Sa kabila ng masungit na panahon, masasabi ko na masaya ang bonding naming mag-iina. Nakita ko na mga sirena ang bagets ko. Pero sa susunod, makikinig na ako kay Kuya Kim, bago magswimming.

Monday, April 11, 2011

Ang Pagbabalik Ni Madam

Thunder Tea Rice


Isang linggo rin pala akong di nakapag-blog. Busy-busyhan si Madam bilang ako ang punong abala sa pagbisita ng aking kaibigan dito sa bansa ni Tita Merly. Nakakapagod ang mag-tour, pero, in fairness super saya naman. At syempre napasabak na naman ako ng bonggang bongga sa kainan. Ilang linggo na rin akong nagbabalak "magbalik-loob" kay Jackie Chan. Nababawasan akong tumataginting na $56 kada bwan para sa gym membership pero mas pinili ko pa ring pairalin ang katam

Halos isang bwan na mahigit ang nakakaraan ng huli kong bisitahin si Jacky Chan. Nagpilit ang Madam mag-4k sa treadmill, ngunit sa kasamaang palad, tila tumaas ang aking presyon dahil nahilo ako at nanikip ang dibdib. Bokot naman akong umuwi ng naka-box sa pinas kaya tinigil ko pansamantala ang aking pantasyang pumayat, sabi ko, "Diet na lang muna". 

The Thunder Tea Rice Diet

2 weeks kong kinarir ang Thunder Tea Rice na 'yan. Nung una di ako nasarapan kasi parang damo lang talaga ang lasa. Brown rice sya with veggies sa ibabaw, may peanuts, shrimp at dilis. Nakakabusog naman sya kasi mabigat ang brown rice, pero ang highlight talaga ng food na eto ay ang sabaw na gawa sa green tea, with mint herb and sesame seeds. Isasabaw sya or pwede ding higupin, kung anong bet niyo. $4.50 (150.00 Php) isang bowl ang presyo na sobrang nakakabusog naman. Ano naman ang benefits ng TTR na 'yan? Una, di na ako umaasa sa Dulcolax, di na ako problemado kung kelan ako maglalabas ng sama ng loob at higit sa lahat ang gaan ng feeling ko. Bukod dyan, hindi ako sinakitan ng puson ng magka-period ako (Oo, period. Tama ang nabasa niyo. Isa na po akong ganap na babae. Chos.) Pumayat ba ako? Hindi. Tae. 

Fruits and Vegetable Diet

Dala ng impluwensya ni BFF Des, parang gusto ko na ring karirin 'tong Fruit Diet. Kwento ni Manay Des, fruits at gulay lang daw minus the rice, sweets, coffee and oily foods kaya nag-normal na lahat ng kanyang tests, na siyang tunay naman dahil nagpapamedical ang lola niyo! At dramatic talaga ang pagbaba ng cholesterol niya. Masubukan nga bukas na bukas, good luck na lang sa hilo! 


Oatmeal Diet

Self explanatory. Umaga, tanghali, gabi Quaker Oats. Pati jutot ko amoy oatmeal na rin. 

Nakakapagod ng mag-isip ng mga mga paraan para pumayat ako. Ayoko na rin namang uminom ng mga gamot pampayat. Gusto ko, all natural, exercise at tamang diet lang dahil nagkaka-edad na rin naman si Madam. Konting motivation pa at pasasaan din ay kakayanin na ng powers kong magtatatakbo. At hindi ko na rin sasayangin ang gym membership ko. I'll keep you posted if may progress naman ang ang aking pagpapayat, hindi ko na ibabandera ang current weight ko ha? Sobrang nakakahiya at lalong di ako maglalagay ng current pic ko, saka na lang pag talagang successful ang aking diet program..hihihi

Wish me luck!




Sunday, April 3, 2011

Of Forgiveness, Burning Bridges and Good Wishes

Photo Credit: http://goodwitchbadwitch.com/2009/09/
Tuwing nagkikita kami ng best friend ko, palagi na lang namin napag-uusapan ang mga sama ng loob ko sa dati kong opisina. Walang palya 'yan. Balitaan kami kung anong stressful events ang nangyayari sa taong nagbigay ng bigat sa dibdib ko sa loob mahigit 2 taon. Inaamin ko, malaki talaga ang inis ko sa taong 'yun. Kaya naman di ko maiwasan maghimutok sa aking BFF pag nagkikita kami. Isang taon na rin ang nakaraan ng umalis ako doon pero hanggang ngayon dala ko pa rin sa dibdib ko ang lahat ng mga ginawa sa akin ng taong 'yun. 

Marahil nagtataka kayo bakit ganun na lang ang laki ng inis ko. Ano ba ang mga pinag-gagagawa niya? Hindi ko na maalala lahat, pero ilan sa mga natatandaan ko, mahilig sya gumawa ng kuwento, mahilig sya tumira ng patalikod (hindi po siya bakla, backstabber lang), at lagi syang may suot na maskara pag kausap niya ako. Nanlalaglag din sya, may pinapaburan, mahilig sa pulitika at sinungaling. Ilan lang yan sa mga ugali nyang nakakahiya hindi lang sa mga kasama naming ibang lahi, maging sa mga kapwa pinoy na rin. Hindi ko maunawaan kung bakit ganon na lang ang pagtrato niya sa akin, marahil ay insecure o takot siyang mabunyag ang mga kalokohan niya, kaya isang malaking banta ako sa karir niya.   


Lumipas ang maraming araw, tuluyan ng hindi nag-improve ang samahan namin hanggang sa umabot na nga sa puntong kailangan ko ng magpaalam, bilang di ko na makayanan ang stress sa trabaho at sa mga taong nakapaligid sa akin. 

Madami pa akong nalaman tungkol sa mga sinasabi niya sa akin pag hindi niya ako kaharap pero mas pinili ko na lang na manahimik at iwasan syang kumprontahin, naipon ang galit at inis ko sa kanya kaya naman nasasabi ko lang lahat ng ito sa aking matalik  na kaibigan. Napapansin ko na ganun na lang pala palagi ang topic namin ni BFF, naapektuhan ko na rin pala siya sa mga negative vibes na nilalabas ko tungkol sa taong ito. Hindi maganda. Both for me and the people around me. But let me clarify one thing, hindi ako nagrereklamo, naglalabas ako ng saloobin ko. Sabagay, either way, may negative effect pa rin. 

Na-realize ko, it's about time to move on. Oo, papatawarin ko na siya. Gagawin ko ito hindi para sa kanya, kung hindi para sa akin at sa mga taong nakapaligid sa akin. 

Bilang isa kang malaking negative sign, I've decided, lalarga na ako. Kakalimutan ko na lahat ng ginawa mo, dahil walang ibang nakakakilala sa buong pagkatao ko, kung hindi ako lang at ang mga taong nagmamahal sa akin. Kaya, kung ano man ang mga pinagkalat mo tungkol sa akin, totoo man o hindi, hindi ako maapektuhan. Dahil, wala na akong kinalaman sa'yo, at ikaw din sa akin. Alam kong may pinagdadaananan ka, higit na mas malaki ang problema mo kaysa sa akin at mas naiintindihan na kita ngayon. 


Sayang naman ang kursong tinapos ko kung di ko gagamitin sa mga pagkakataong kagaya nito. At sa ugaling pinakita mo sa akin, mas nakilala kita ng lubusan. Sayang, magka-zodiac sign pa naman tayo, akala ko pa naman kasundo ko lahat ng kapareho ng zodiac sign ko, pero sabi nga ng isang article na nabasa ko, either maging magkasundo or arch-nemesis tayo. In our case, we're the latter. 

Masyado ng malaking space ng dibdib ko ang na-ooccupy mo, kaya naman mag-dedelete na ako at papalitan ko ng mas karapat-dapat na emosyon ang ise-save ko. So, with all my heart, Madam, I wish you well. 


May God bless your heart.








Tuesday, March 29, 2011

Work Hard, Play Smart

Photo Credit: http://www.doozieup.com/2009/02/work-or-play-are-they-the-same-for-some/

Kagabi ay nag-"Lowest of the Low" moment na naman si Madam. Dala siguro ng stress sa trabaho, sa dami ng mga goals at pag-maintain ng magandang scorecard. Nakakaloka na rin kung minsan kasi akala ko tapos na ako sa pag-aaral. Hindi pa rin pala. Kailangan ko pa rin maging competitive. Kailangan kong maging "bibo kid" para naman masabi ng kompanyang pinapasukan ko na ako ay isang asset. Hindi lang nagsasayang ng kuryente sa opisina. 

Nakakapagod maging productive, nakakapagod maging masipag lalo pa at ramdam mo na me lamangan na nagaganap sa paligid mo. Maglabas ka man ng hinanakit mo, balewala rin, kasi hindi lang ikaw ang dapat i-consider. I am just a tiny dot. Naa-appreciate ko ang marinig ng pamunuan ang mga gusto naming iparating, kaya lang, parang hindi sapat. Parang me kulang. Kulang sa aksyon. Puro kuda lang.

Eto ang mga moment na pinaka-ayaw ko. Masaya pa naman ako. Pero konti na lang malapit na akong bumigay. Sapat na maiiyak ko ang pagod at sama ng loob at babalik na naman ang drive ko. Kailangan.

Salamat at may mga realizations na ganito, otherwise, hindi ako magmamature. Pagkatapos kong itulog at ilabas sama ng loob. Naisip ko, "if all else fails, change the gameplan" 

Hindi ko hahayaang masira ng isang moment ang drive ko. This should work on my advantage. Ako ang gagawa ng paraan para mag-gain ako. Hindi ng weight 'teh. Gain ng keme. Alam mo na 'yun. Basta gain. Gain ng points, ng pera..ganyan. Na-realize ko na tama ang maging masipag at masikap sa trabaho, PERO: dapat maparaan ka din. Make responsible decisions na hindi lang ikaw ang magbe-benefit kundi pati ang mga nasa paligid mo rin. Do not spread negative vibes at work, madaming madadamay papangit  pa ang image mo. 

So, wear that smile now, Madam. Work Hard and Play Smart! 


Sunday, March 27, 2011

WARNING ni Madam!


Naka-receive si Madam ng isang e-mail ngayong afternoon. Aba UPS! Sino naman ang magpapadala ng package sa akin? Mabuti na lang at di ko agad binuksan ang attachment. Nag-Google muna ako. At eto ang nabasa ko:

http://nakedsecurity.sophos.com/2011/02/04/outbreak-united-parcel-service-notification-malware-attack-spammed-out/

So, ingat ingat kayo mga friends! Wag basta basta bukas ng bukas ng link!

Thursday, March 24, 2011

Gaya-gaya, Puto Maya



 


They say immitation is the greatest form of flattery.

Pero kung halos lahat eh ginagaya na sa'yo? Mula sa pagkain, sa shower gel, toothpaste, tsinelas, pati lahat ng gawin mo sa bahay ginagaya? Nakakainis na rin hindi ba? Daig pa ang anino ko. Buti pa nga ang anino ko minsan nilulubayan ako.

Hindi masama ang manggaya, ako rin madalas gumagaya lalu na kung uso, pero dapat lagyan mo ng limitasyon dahil hindi ako ikaw, at hindi ikaw ako. Gets mo? Mainam na mag-establish ka ng sarili mong identity, iyong makikilala ka dahil sa uniqueness mo. Nakakaawa ang mga taong walang ibang ginawa kung hindi ang manggaya lang. Mag-explore ka, mag-experiment, subukan mo maging kakaiba. Masarap maging kakaiba. Try mo lang, once lang. 

Sang-ayon sa aking napag-aralan, pag ang isang tao ay mahilig manggaya, malamang insecure eto or me inferiority complex. Bakit? Kasi hindi sya confident sa sarili niya, wala siyang tiwala sa mga ginagawa niya kung tama o mali. Kailangan pa ng "approval" ng iba bago gumawa ng isang hakbang. In short, walang sariling isip, walang backbone, walang confidence. 

Siguro nga dapat ma-flatter ako dahil iniidolo mo ang lahat ng gawin ko, dapat maging mabuting halimbawa pa nga ako para matuto ka sa mga ginagawa ko. Sige, i-coconsider ko 'yan. Pipilitin kong habaan pa ang pisi ko, dahil ako ang mas nakakaintindi ng kalagayan mo. Ako ang marunong mag-profile ng personality mo. 

Katawa-tawa ka lang sa paningin ko kung umasta ka ng alam kong nagpapanggap kang kakaiba kahit hindi. 

So, I will move on and do whatever what I want to do, walang basagan ng trip, gayahin mo na ako, for all I care.