Thunder Tea Rice |
Isang linggo rin pala akong di nakapag-blog. Busy-busyhan si Madam bilang ako ang punong abala sa pagbisita ng aking kaibigan dito sa bansa ni Tita Merly. Nakakapagod ang mag-tour, pero, in fairness super saya naman. At syempre napasabak na naman ako ng bonggang bongga sa kainan. Ilang linggo na rin akong nagbabalak "magbalik-loob" kay Jackie Chan. Nababawasan akong tumataginting na $56 kada bwan para sa gym membership pero mas pinili ko pa ring pairalin ang katam.
Halos isang bwan na mahigit ang nakakaraan ng huli kong bisitahin si Jacky Chan. Nagpilit ang Madam mag-4k sa treadmill, ngunit sa kasamaang palad, tila tumaas ang aking presyon dahil nahilo ako at nanikip ang dibdib. Bokot naman akong umuwi ng naka-box sa pinas kaya tinigil ko pansamantala ang aking pantasyang pumayat, sabi ko, "Diet na lang muna".
The Thunder Tea Rice Diet
2 weeks kong kinarir ang Thunder Tea Rice na 'yan. Nung una di ako nasarapan kasi parang damo lang talaga ang lasa. Brown rice sya with veggies sa ibabaw, may peanuts, shrimp at dilis. Nakakabusog naman sya kasi mabigat ang brown rice, pero ang highlight talaga ng food na eto ay ang sabaw na gawa sa green tea, with mint herb and sesame seeds. Isasabaw sya or pwede ding higupin, kung anong bet niyo. $4.50 (150.00 Php) isang bowl ang presyo na sobrang nakakabusog naman. Ano naman ang benefits ng TTR na 'yan? Una, di na ako umaasa sa Dulcolax, di na ako problemado kung kelan ako maglalabas ng sama ng loob at higit sa lahat ang gaan ng feeling ko. Bukod dyan, hindi ako sinakitan ng puson ng magka-period ako (Oo, period. Tama ang nabasa niyo. Isa na po akong ganap na babae. Chos.) Pumayat ba ako? Hindi. Tae.
Fruits and Vegetable Diet
Dala ng impluwensya ni BFF Des, parang gusto ko na ring karirin 'tong Fruit Diet. Kwento ni Manay Des, fruits at gulay lang daw minus the rice, sweets, coffee and oily foods kaya nag-normal na lahat ng kanyang tests, na siyang tunay naman dahil nagpapamedical ang lola niyo! At dramatic talaga ang pagbaba ng cholesterol niya. Masubukan nga bukas na bukas, good luck na lang sa hilo!
Oatmeal Diet
Self explanatory. Umaga, tanghali, gabi Quaker Oats. Pati jutot ko amoy oatmeal na rin.
Nakakapagod ng mag-isip ng mga mga paraan para pumayat ako. Ayoko na rin namang uminom ng mga gamot pampayat. Gusto ko, all natural, exercise at tamang diet lang dahil nagkaka-edad na rin naman si Madam. Konting motivation pa at pasasaan din ay kakayanin na ng powers kong magtatatakbo. At hindi ko na rin sasayangin ang gym membership ko. I'll keep you posted if may progress naman ang ang aking pagpapayat, hindi ko na ibabandera ang current weight ko ha? Sobrang nakakahiya at lalong di ako maglalagay ng current pic ko, saka na lang pag talagang successful ang aking diet program..hihihi
Wish me luck!