Thirty something ka na ba? Late twenty's? Naba-bother ka na ba sa tuwing tinitignan mo ang kalendaryo? Bakit hanggang 31 lang ang petsa (or 30 sa mga pinanganak ng September, April, June at November)? Hindi ba pwedeng i-extend? Yan ang alam kong nasa isip ng mga kaibigan ko na kung hindi choosy, or ang favorite quote ay: "I'm happy being single". Pero aminin mo, ang totoo niyan, gustong-gusto mo nang mahanap ang tamang partner para sa'yo kaya lang...
Single # 1: Kagagaling mo lang sa isang traumatic relationship
Nahuli mo sya na niloloko ka lang niya. May third party involved. Me asawa't anak pala at nagpapanggap lang na binata. Nakabuntis ng FuBu. "Bi"-yot siya at mas bet niya ang lalake kesa babae. Abusive na partner (verbal or physical). Ilan lang 'yan sa mga halimbawa ng isang kalunos-lunos na relasyon na talaga namang di na dapat pinatagal.
At dahil nga ganyan ang nakaraang relasyon mo, nagbago ang tingin mo sa mundo. Feeling mo lahat ng lalaki manloloko, papaasahin at sasaktan ka lang at higit sa lahat wala ng straight. Why not give yourself a break? Imulat mo ang mata mo, baka nasa tabi mo lang siya kaso nag-aalangan ka kasi baka kagaya rin siya ng ex mo.
Anong dapat gawin?
Siguraduhin mong ready ka na at talagang naka-move on ka sa ex mo. Baka naman subconsciously, hinahanap hanap mo pa rin ang pagiging self-centered at pagka-sadista niya. Ikaw na ang makakapagsabi kung talagang you're so over him bago ka pumasok sa isang relasyon.
Pag 100% sure ka na hindi ka na "on the rebound", Aba! huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa! Go na 'teh! Wag ka ng magpakipot.
Be honest. Sabihin mo sa prospect mo ang pinagdaanan mo, hindi 'yung over acting ha! Hindi paawa effect. Casual lang. Iparating mo sa kanya na hindi biro ang pinagdaanan mo pero you're stronger now at ready ka ng harapin ang lahat ng dadating sa buhay mo.
Kilatisin mong maigi (Huwag mala-imbestigador, praning much?).
Pag hindi ka "desperado" sa kanya, this is it. Ibig sabihin, kumportable ka at tiwala ka sa relasyon ninyo.
Take it slow. Slowly but surely. Mas exciting ang relasyon kung walang pressure na involve. Spontaneity is the keyword here.
Single # 2: Single by Choice
Wala pang dumadating eh ('Teh anong petsa na?). Hindi pa ako nililigawan or pinapansin ng crush/type ko (Spell A.S.A). Wala na ata magkakagusto sa akin. Busy ako sa career!
So masaya ka na ng ganyan? Tapos ano? bitter-bitteran ka pag nakakadinig ka ng mga love songs na nakaka-relate ka, naiinis ka pag nakakakita ka ng mga mag-jowa with matching bulong ka sa sarili na "Magbi-break din kayo! Tse!". Yung iba naman dyan, may I peek sa Facebook account ng mga bet nilang boylet, para updated sa latest chika kung pero anong ginagawa mo? Peek lang?? Anubeh.
Anong dapat gawin?
Para kay ate na waiting in vain (hindi na uso 'yan):
Kailangan: Tibay at Lakas ng loob.
Pag naghintay ka lang dyan, uugatin ka lang, walang mangyayari sa'yo. Be Proactive. Subukan mong i-text sya. Try lang. Pag nag-reply, magandang sign 'yan. Sundutan mo pa ulit ng ilang text. Pag smooth na ang flow ng conversation saka mo landiin. Oh di ba? No sweat.
Para sa mga Facebook stalker:
Kailangan: Confidence (Lots of it!)
Kung di mo siya friend, i-add mo. Mag PM (private message) ka. Say "hi", or "thanks for the add" keme. Pag wit reply, wag mawalan ng pag-asa. May chat pa naman. Chat mo. Pag biglang nag-offline. Ay, let go na 'teh. Di ka bet. Hanap ka na ng iba ha. Not worth it.
Para busy-busyhan keme:
Kailangan: Time at Social Life
Ikaw na! Career Woman 'teh? Wag magpanggap na busy. May time ka talaga. Ayaw mo lang, pero dama ko ang desire mo na gusto mo ng someone to share your achievements.
Either sobrang taas ng SLA (Service Level Agreement. Chos) mo sa mga lalaki or mas gusto mo pang matulog kesa makipag-socialize sa opposite sex. Oh well, papel.
Grab your phone at mag-set ng isang bonggang inuman kasama ang mga friends at bet na guy/s. Kung shala ka naman, pa-book na ng isang out of town or out of the country get away with the object of your affection. Madaming airfare sale ngayon 'teh! Gow!
Bottom line is, ayos lang naman na lumandi. PERO wag naman lahat ng lalaki eh lalandiin mo.
Di na fab 'yun 'teh. Ayaw mo naman sigurong maging Pambansang Slut.
Umarte ng tama lang. Yung naaayon sa itsura at guts mo. At siguraduhing ang lalandiin ay SINGLE. Meaning: Walang asawa. Walang GF.
Huwag magpapadala sa mga: "it's complicated" na status, tricky ang status na 'yan at madalas gamitin ng mga gustong makalamang.
Be wais mga ateh. Gamitin ang utak at di lang puso.
And with that, sabay-sabay bigkasin ang affirmation:
"I change the way I look at things and the things I look at are changing in postive ways."
Chos.