Sunday, December 4, 2011

OFW Christmas Blues




After 9 months, nagbalik na naman ako. Abala lang talaga ang madam bilang ang daming pagbabagong naganap sa opisina at may ilan ding sakit ng ulo ang dumating sa aking buhay, ngunit, subali't datapwat, nalampasan ko naman ng bongga. So eto na nga, December na naman. Halos 5 na pasko na rin akong hindi nakakauwi sa Pilipinas, ang dami ko ng na-miss na reunions at kung anu-ano pang ka-chorvahan sa bahay namin. 

Imbyernang tunay lang talaga ako sa kumakalat na video ng isang MNC na matamis na inumin. Tungkol kasi ito sa mga OFW na matagal na umanong hindi nakakauwi sa Pinas. K Fine. Nasan ba sila? Sa Europe? Meron bang na-isponsoran na nasa Middle East o South East Asia, parang wala naman akong nakita. EUROS (As of today, exchange rate is: 1 = ₱ 57.99) ang kinikita ng mga pinauwi nila. Higit na mayaman pa sila sa ibang OFWs na MAS gustong makauwi, pero di magawa dahil sa malupit na mga amo at 'yung iba wala talagang pamasahe dahil walang natitirang sahod sa kanila, mga niloko ng recruiters, mga nagbabayad ng walang katapusang placement fee. Kung gugustuhin ng mga mapalad na OFWs na itong makauwi, kayang kaya nila. Sa tagal ng pagtatrabaho nila sa Europa, imposibleng wala silang ipon. Matitiis mo bang hindi makita ang mga anak mo ng mahigit sa 10 taon? Nakakadena ba sila sa bahay ng mga amo nila? Mas malupit ba ang mga amo nila o mas mababa pa ang sahod nila sa mga DH ng Singapore, Hong Kong o Saudi Arabia? Obviously, ginagamit lang ng kumpanyang ito ang mga OFWs. 

Sabi nga ng nabasa ko:

"Big corporations don’t do anything or spend money unless there is a “business case” for said expenditure or activity that one way or another translates to increased profits, more revenue, or uplift in share price. These guys aren’t in business to be nice guys. They’re in business for business."

Kaya kahit OFW ako, hindi ako na-move na kadramahan na 'yan. MAS maiiyak ako ng bongga, kung mapapauwi nila ang mga Pinoy na stranded sa Riyadh, mga DH na nasa embahada ng Pilipinas o 'yung mga kinupkop ng mga NGOs habang wala pang pamasahe o naghihintay matapos ang hearing ng kaso ng pangaabuso sa kanila. Maraming nangangailangan ng tulong, madaming gustong makauwi ngayong Pasko. Pero mas ng kumpanyang iyon ang mga kagaya nila na kayang kaya namang umuwi kung gugustuhin nila. Me kasabihan nga tayo, "If there's a will, there's a way."



Para sa kin, mas may karapat-dapat pang makatanggap ng ganitong klaseng tulong. Nakakarelate ako sa reunion part ng ad campaign, pero hindi buo ang paniniwala ko na genuine ang pag reach out nila sa mga OFWs. 


Isa sa maraming kahilingan ko ngayong pasko, nawa'y maging maligayang tunay ang kapaskuhan ng mas nangangailangan. 


Maligayang Pasko!